Aklat ng Karunungan

Ang Aklat ng Karunungan[1] o Ang Karunungan ni Solomon[2] ay isang aklat sa Lumang Tipan ng Bibliya, na nasusulat sa wikang Griyego.[2] Dahil nasa Griyego, hindi ito kabilang sa kanon ng mga Hudyo.[1]

Lumang Tipan ng Bibliya

May-akda

Hindi nakikilala ang kung sino ang sumulat ng Aklat ng Karunungan.[1][2] Ngunit nalalamang kasapi siya sa isang maliit na bansang kinabibilangan ng mga Hudyo sa Alejandria, Ehipto. Paminsan-minsang ginagamit ng may-akda sa kaniyang pagsulat ng akdang ito ang katauhan ni Haring Salomon. Ginawa niya ito para magkaroon ng diin ang kaniyang pangangaral.[1]

Panahon

Isinulat ang aklat na ito noong 100 BK.[1]

Katangian

Ginamitan ito ng may-akda ng mga kaugalian ng mga Hudyo at ng mga pilosopiya ng mga Griyego. Nagtuturo ang aklat ng pananaw na ang nagbibigay ang Diyos ng gantimpala sa mga matapat sa kaniya.[2] Kinalalangkapan ang aklat ng mga bahaging gamit para sa liturhiya ng Katolikong Iglesya. Isang masinsinang paghahanda sa mga pangaral ni Hesus at ng kaniyang Simbahan ang unang sampung kabanata.[1]

Layunin

Isa sa mga layunin ng may-akda ng aklat na ito ang pagtibayin ang kalooban ng kaniyang mga kababayan pagkaraan ng paghihirap at pagkaapi habang nasa Babilonia. Kailangang magkamit ang mga mamamayan ng mga karunungang maka-Diyos na magagamit sa pagtatagumpay ng bayang Ebreo. Ipinakikita rin dito ang pagkabigo ng mga bansang Sodoma, Ehipto, at Canan dahil sa kawalan ng karunungan.[1]

Nilalaman

Binubuo ang Aklat ng Karunungan ng limang mga bahagi:[1]

  • Gantimpala ng Katarungan (1,1 - 6,21)
  • Pagpuri ni Salomon (6,22 - 11,1)
  • Tanging Pamamahala ng Diyos sa Pagtakas ng Israel (11,2 - 12,27)
  • Kahangalan at kahiya-hiya ang Pagsamba sa mga diyus-diyosan (13,1 - 15,17)
  • Pamamahala ng Diyos sa Panahon ng Pagtakas (15,18 - 19,22)

Mga sanggunian

  1. 1.0 1.1 1.2 1.3 1.4 1.5 1.6 1.7 Abriol, Jose C. (2000). "Karunungan, Aklat ng Karunungan". Ang Banal na Biblia, Natatanging Edisyon, Jubileo A.D. Paulines Publishing House/Daughters of St. Paul (Lungsod ng Pasay) ISBN 9715901077.
  2. 2.0 2.1 2.2 2.3 Ang Karunungan ni Solomon, mula sa Ang Biblia, AngBiblia.net Ang Karunungan ni Solomon], Ang Biblia, Ang Biblia.net

Panlabas na kawing

Alkimiya

Tungkol ito sa isang sinaunang malaagham na pag-aaral. Para sa halaman, tingnan ang alkemilya.

Ang alkimiya ay isang pilosopiko at protosiyentipikong kaugalian na kinasanayan sa buong Europa, Ehipto, at Asya. Nilayon nitong i-purify, i-mature, at i-perfect ang ilang mga bagay. Ang ilang mga karaniwang layon ay ang chrysopoeia, ang transmutasyon ng mga "base metal" (hal: tingga) upang maging "noble" (tulad ng ginto); ang paglikha ng isang eliksir ng imortalidad; ang paglika sa panacea na maaaring makagamot sa kahit anong sakít; at ang paglinang ng isang alkahest, isang pangkalahatang pantunaw. Sa Europa, and paglikha ng bato ng pilosopo ay may kaugnayan sa lahat ng mga planong ito.

Ito ay sinaunang malaagham na may elemento ng kimika, pisika, astrolohiya, sining, semiotika, metalurhiya, medisina, mistisismo, at relihiyon. Tatlo ang pangunahing layunin ng maraming alkimiko. Isa sa pinakakilala rito ay ang layuning makagawa ng ginto o ng pilak mula sa ano mang karaniwang metal sa pamamagitan ng transmutasyon (pagbabagong-anyo). Sinubukan din nilang gumawa ng isang tanging gamot na makapagpapagaling sa lahat ng sakit at magpapahaba ng buhay. Isa rito ay ang paggamit ng bato ng pilosopo. Ang maalamat na batong ito, na maaaring ring pulbos o likido, ay may katangian daw gawin ang dalawang nasabi. Ang paglalang ng buhay ng tao ang ikatlong layunin nito. Sinasabing ang alkimiya ang siyang pinagmulan ng makabagong agham ng kimika bago ang pormulasasyon ng makaagham na pamamaraan.

Biblikal na Kanon

Ang artikulong ito ay tungkol sa mga aklat ng Bibliya. Para sa ibang gamit, tingnan ang Kanon (paglilinaw).Ang kanon ay ang mga aklat na bumubuo sa Bibliya ng Hudaismo at ng Kristiyanismo. Ang kanon ng Bibliya ay nabuo sa maraming mga taon at ang mga aklat na napasama dito ay hindi sabay sabay na ipinasok sa kanon. Ang mga bilang ng aklat na nakapasok sa kanon ay hindi pareho sa iba-ibang denominasyon ng Kristiyanismo. Ang kanon ng Hudaismo ay binubuo lamang ng Tanakh o Lumang Tipan at hindi tinatanggap ng mga Hudyo ang Bagong Tipan. Ang Deuterokanoniko ng Katoliko at Orthodox ay hindi tinatanggap ng mga Protestante.

Karunungan

Ang karunungan o dunong, sa larangan ng pananampalataya, ay ang pagkaunawang nanggaling sa Diyos. Isa itong marunong o matalinong pag-iisip o kaisipan; o ang pang-unawa sa tama at mali, at pagkakaroon ng matinong pag-iisip o pinag-aralan. May kaugnayan ito sa sentido kumon, talino, erudisyon, at tining ng pag-iisip.

Kritisismong historikal

Ang Kritisismong historikal (Ingles: Historical criticism, the historical-critical method o higher criticism) ay isang sangay ng kritisismong pampanitikan na sumisiyasat sa mga pinagmulan ng sinaunang panitikan o teksto upang maunawaan "ang daigdig sa likod ng tekstong ito". Ang pangunahing layunin ng kritisismong historikal ay tiyakin ang pangunahin o orihinal na kahulugan ng teksto sa orihinal na kontekstong historikal nito at sa literal na kahulugan o sensus literalis historicus nito. Ang ikalawang layunin nito ay hangarin na buuin ang rekonstruksiyon ng historikal na sitwasyon ng may akda at sinusulatan ng tekstong ito. Ito ay maaaring maisakatuparan sa pamamagitan ng muling paglikha ng tunay na kaliksan ng mga pangyayari na inilalarawan ng teksto. Ang sinaunang teksto ay maaari ring magsilbing isang dokumento, rekord, o pinagkukunan sa muling paglikha ng sinaunang nakaraan na maaari ring magsilbi bilang pangunahing interes sa kritikong historikal. Tungkol sa Semitikong interpretasyong Biblikal, ang kritikong historikal ay magagawang bigyang pakahulugan ang Panitikan ng Israel gayundin ang Kasaysayan ng Israel. Sa ika-18 siglo CE kritisismong biblikal, ang terminong "mas mataas na kritisismo" (higher criticism) ay karaniwang ginagamit sa nananaig na skolarsiyip bilang pagsalungat sa mas mababang kritisismo. Sa ika-21 siglo, ang krtisismong historikal ay ang mas karaniwang ginagamit na termino para sa mas mataas na kritisismo samantalang ang kritisismong tekstuwal ay mas karaniwang ginagamit kesa sa maluwag na ekspresyong mas mababang kritisismo. Ang kritisismong historikal ay nagsimula noong ika-17 siglo CE at nagkamit ng sikat na pagkilala noong ika-19 at ika-20 siglo CE. Ang perspektibo ng sinaunang kritikong historikal ay nakaugat sa ideolohiyang Protestanteng Repormasyon kung paanong ang kanilang pakikitungo sa mga pag-aaral biblikal ay malaya mula sa impluwensiya ng interpretasyong tradisyonal. Kung ang imbestigasyong historikal ay hindi magagamit, ang kritisismong historikal ay nakasalig sa interpretasyong pilosopikal at teolohikal. Sa paglipas ng mga siglo, ang kritisismong historikal ay pinino sa iba't ibang mga pamamamaraang ginagamit sa kasalukuyan: kritisismo ng pinagkunan, kritisismo ng anyo, kritisismong redaksiyon, kritisismong tradisyon, kritisismong kanonikal at mga kaugnay na pamamaraan.

Pragmentong Muratorian

Ang Pragmentong Muratorian o Kanon na Muratorian ay isang kopya ng marahil ang pinakamatandang alam na talaan o listahan ng halos lahat ng mga aklat ng kasalukuyang kanon ng Bagong Tipan. Ang pragmentong ito na binubuo ng mga 85 linya ay isang ika-7 siglo CE manusckritong Latin na nakabigkis sa isang ika-8 o ika-7 siglo CE codex na nagmula sa aklatan ng monasteryong Columban sa Bobbio. Ito ay naglalaman ng mga panloob na pagpapahiwatig na ito ay isang salin mula sa orihinal na Griyego na isinulat noong mga 170 CE o sa huli ng ika-4 siglo CE. Ang parehong nasirang kondisyon at ang mababang uring Latin na ginamit dito ang gumawa ritong mahirap isalin. Ang simula ng pragmentong ito ay nawawala at mabilis na huminto. Ang pragmentong ito ay binubuo ng lahat ng mga natitira sa seksiyon ng listahan ng lahat ng kasulatan na tinanggap na kanon ng mga iglesia na alam ng hindi kilalang tagatipon nito. Ito ay natuklasan sa Milan ni Padre Ludovico Antonio Muratori (1672–1750) na isang pinaka kilalang historyan na Italyano ng kanyang henerasyon at ito ay inilimbag noong 1740.

Sirac

Huwag itong ikalito sa Aklat ng Eclesiastes.Ang Eklesyastiko, Eklesiyastiko, binabaybay ding Eclesiastico, Ecclesiastico (batay sa Kastila), at kilala rin bilang Ang Karunungan ni Jesus, Anak ni Sirac o Karunungan ng Anak ni Sirac lamang, ay isang aklat sa Lumang Tipan ng Bibliya. Sinulat ito ni Ben Sira. Nangangahulugang Pansimbahan o Pang-iglesya ang salitang eklesyastiko. Tinawag itong Eklesyastiko o pansimbahan nga dahil dating kalimitang ginagamit ito sa "pagtuturo ng mga katumeniko sa simbahan." Madalas na gamitin ng Santa Iglesya ang librong ito para sa liturhiya.

Vulgata

Ang Vulgata o Vulgate ay isang salin ng Bibliya sa wikang Latin noong bandang huli ng ika-4 siglo CE. Ito ay malaking ginawa ni Jeronimo na kinomisyon ni Papa Damaso I noong 382 na gumawa ng isang rebisyon ng ng mga lumang saling Latin ng Bibliya. Noong ika-13 siglo CE, ang rebisyon ni Jeronimo ay nakilalang versio vulgata na "karaniwang ginagamit na salin" at sa huli ay naging depinitibo at opisyal na prinomulgang bersiyong Latin ng Bibliya sa Simbahang Katoliko Romano.

Sa ibang wika

This page is based on a Wikipedia article written by authors (here).
Text is available under the CC BY-SA 3.0 license; additional terms may apply.
Images, videos and audio are available under their respective licenses.