Aklat ng Exodo

Para sa ibang gamit, tingnan ang Exodo (paglilinaw).
Bibliya/Tanakh
Torah | Nevi'im | Ketuvim
Mga Aklat ng Torah/Pentateuco
1. Aklat ng Henesis
2. Aklat ng Exodus
3. Aklat ng Levitico
4. Aklat ng Mga Bilang
5. Aklat ng Deuteronomio

Ang Aklat ng Exodo[1] o Exodus ay ang ikalawang aklat ng Torah o Pentateuko, ng Tanakh at ng Lumang Tipan ng Bibliya. Sa Hebreo, ito'y tinatawag na Shemot (שְׁמוֹת) na galing sa pariralang Ve-eleh shemot, ואלה שמות, "At ito ang mga pangalan". Nangangahulugang "Paglabas" ang salitang Exodo na hinango mula sa wikang Griyego. Nilalahad sa librong ito ang paglabas ng bayang Israel mula sa Ehipto noong ika-13 daantaon habang pinangangasiwaan ni Moises. Karugtong ito ng kasaysayan ng mga Israelita na isinalaysay sa Aklat ng Henesis (ang kanilang pagkaalipin sa ilalim ng mga Ehipsiyo, pagtawid nila sa Dagat na Pula, at ang paglalakbay sa ilang para marating ang Bundok Sinai, kung saan gumawa ang Diyos ng pakikipagtipan sa bayan ng Israel). Sa pamamagitan ni Moises, ibinigay ng Diyos sa mga Israelita ang Sampung Utos o Batas.

Mga bahagi

  • Shemot, Exodo 1-5: Dalamhati sa Ehipto, si Moises ay natagpuan at tinatawag, Faraon
  • Va'eira, Exodo 6-9: Mga Salot 1 hanggang 7 ng Ehipto
  • Bo, Exodo 10-13: Mga huling salot ng Ehipto, Unang Paskuwa
  • Beshalach, Exodo 13-17: Paghahati ng Dagat, tubig, manna, Amalek
  • Yitro, Exodo 18-20: Payo ni Jethro, Sampung Utos,
  • Mishpatim, Exodo 21-24: Kodigo ng Tipan
  • Terumah, Exodo 25-27: Mga instruksiyon ng diyos tungkol sa tabernakulo
  • Tetzaveh, Exodo 27-30: Mga instruksiyon ng diyos tungkol sa mga unang saserdote
  • Ki Tisa, Exodo 30-34: Censo, pagpapahid ng langis, gintong baka, mga tabletang bato, nagliwanag na Moises
  • Vayakhel, Exodo 35-38: pagkolekto ng mga regalo, paggawa ng Tabernakulo
  • Pekudei, Exodo 38-40: pagtatayo ng Tabernakulo at pagpupuno nito

Komposisyon

May akda

Ang tradisyonal na paniniwala ng mga Hudyo at Kristiyano ay ang Pentateuch (unang limang aklat ng Tanakh) kabilang ang Aklat ng Exodo ay isinulat ni Moises na ayon sa tradisyon ng mga Hudyo ay nabuhay noong 1391–1271 BCE. Gayunpaman, sa huli nang ika-19 na siglo (19th century) CE, ang lumalagong kamalayan ng mga salungatan, pag-ulit ulit na mga salaysay at iba pang mga katangian ng Pentateuch ang nagtulak sa mga skolar ng Bibliya na iwan ang tradisyonal na pananaw na ito.[2] Ayon sa mga modernong skolar ng Bibliya, ang unang drapto (na tinatawag na Yahwist) ay malamang isinulat noong ika-6 siglo BCE noong panahon ng pagkakatapon sa Babilonia ng mga Israelita. Ito ay dinagdagan at kinumpleto bilang pagkatapos ng pagkakatapon (post-Exilic) na huling edisyon (o pinagkunang pang-Sasserdote/Priest source) sa huli nang ika-6 siglo o noong ika-5 siglo CE,[3] at nagkaroon pa ng mga karagdagang pagbabago at kaunting mga rebisyon na nagpatuloy hanggang sa ika-4 siglo BCE.[4]

Genre at mga pinagkunan

Ayon sa mga skolar, ang Aklat ng Exodo ay hindi isang salaysay na historikal sa anumang modernong kahulugan nito.[5] Ang modernong kasaysayan pagsusulat ng kasaysayan o history ay nangangailangan ng kritikal na ebaluasyon ng mga pinagkunan at hindi tumatanggap sa diyos bilang sanhi ng mga pangyayari.[6] Gayunpaman, sa Aklat ng Exodo, ang lahat ng pangyayari ay itinatanghal bilang gawa ng diyos na kadalasang lumilitaw ng personal at ang historikal na pinagtakdaan ay malabong iginuhit.[7] Ayon sa mga skolar, ang layunin ng aklat na ito ay hindi upang irekord ang tunay na nangyari kundi upang ipakita ang historikal na karanasan ng pamayanang Israelita na ipinatapon sa Babilonia noong ika-6 siglo BCE at nang kalaunang Hersualem na humaharap sa pagkakabihag ng dayuhan at ang pangangailangan na harapin ang kanilang pagkakaunawa sa diyos.[8]

Bagaman ang mga elementong mitikal ay hindi labis na makikita sa Aklat ng Exodo gaya ng sa Aklat ng Genesis, ang mga alingawngaw ng mga sinaunang alamat ay mahalaga sa pagkakaunaw ng pinagmulan at layunin ng aklat na ito. Halimbawa, ang kuwento ng pagkakaligtas ng sanggol na si Moises mula sa pagkakalunod sa ilog Nilo ay may batayan sa mas naunang alamat ng haring si Sargon samantalang ang paghahati ng Dagat Pula ay sumasamantala sa mitolohiya ng paglikha ng Mesopotamia. Ang mga impluwensiyang ito ay nagsisilbi upang pagtibayan ang konklusyon na ang Aklat ng Exodo ay nagmula sa ipinatapong pamayanang Israelita noong ika-6 siglo BCE ngunit ang lahat ng mga pinagkunan ay hindi Mesopotamian. Ang kuwento ng paglisan ni Moiss sa Midian pagkatapos ng kanyang pagpatay sa isang Ehipsiyo ay maaaring hinugot sa Kuwento ng Sinuhe ng Ehipto. [9]

Exodo

Ang Exodo ang kuwento ng pang-aalipin sa mga Israelita sa Ehipto pagkatapos mamatay ni Jose at ang kanilang paglisan sa ilalim ni Moises, mga pahayag at paglalakbay sa ilang hanggang sa mga hangganan ng Canaan. May hindi bababa sa dalawang mga paraon ang nasasangkot ayon sa bibliya, ang paraon na umalipin sa mga Israelita at ang paraon ng exodo na tinakasan ng mga Israelita sa kanilang exodo. Hindi pinangalanan sa bibliya ang mga paraon na ito o nagbigay ng sapat na impormasyon upang tukuyin ang panahon na pinangyarihan ng mga ito. May ilang mga mungkahi ang iba't ibang mga indibidwal sa pagkakalinlan ng paraon na ito. Si Paraon Ramesses II ang pinaniniwalaan ng ilan na Paraon ng Aklat ng Exodo na umalipin sa mga Israelita.[10] Gayunpaman, walang anumang mga ebidensiyang arkeolohikal na si Ramesses II ay nakitungo sa mga Israelita o sa anumang mga salot sa Ehipto gaya ng isinasaad sa bibliya. Ang mga arkeologo ay umaayon na walang anumang Exodo ng mga Israelita sa Ehipto na nangyari.[11] Ang takot ng Paraon (ayon bibliya) na ang mga Israelita ay makikipag-alyansa sa mga mananakop na dayuhan ay hindi malamang sa konteksto ng huling ikalawang milenyo nang ang Canaan ay bahagi ng imperyong Ehipsiyo at ang Ehipto ay hindi nahaharap sa mga kaaway sa direksiyong ito.[12] Ang mga anakronismo sa Aklat ng Exodo ay nagmumungkahi ng petsang pagkakasulat noong ca Ikaanim na siglo BCE[13] at ang mga karagdagang pagsasaayos at pagbabago ay nagpatuloy hanggang sa ca. Ikaapat na siglo BCE.[14]

Mga sanggunian

  1. Abriol, Jose C. (2000). "Exodo". Ang Banal na Biblia, Natatanging Edisyon, Jubileo A.D. Paulines Publishing House/Daughters of St. Paul (Lungsod ng Pasay) ISBN 9715901077.
  2. Meyers, p.16
  3. Johnstone, pp.68, 72
  4. Kugler, Hartin, p.50
  5. Fretheim, p.7
  6. Dozeman, p.9
  7. Houston, p.68
  8. Fretheim, p.8
  9. Kugler,Hartin, p.74
  10. "LINE OF FIRE: Ramses, Warrior Pharaoh". The History Channel. Hinango noong 2008-05-14.
  11. http://www.nytimes.com/2007/04/03/world/africa/03exodus.html?_r=0
  12. Soggin 1998, p. 128-129.
  13. Johnstone, pp. 68, 72.
  14. Kugler, Hartin, p. 50.

Panlabas na kawing

Aklat ng Genesis

Ang Henesis o Genesis (Griyego: Γένεσις, kahulugan: "pagkasilang", "paglikha", "sanhi", "simula", "pinaghanguan", "ugat", o "pinagmulan") ay ang unang aklat ng Torah, Tanakh at ng Kristiyanong Lumang Tipan. Tinatawag din itong Unang Aklat ni Moises, ayon sa tradisyong Hudyo, dahil pinaniniwalaang sinulat ito ni Moises. Laganap na pananaw na Abramahiko na inspirado ito ng "Banal" o "isinulat mismo ng Diyos sa pamamagitan ng mga tao," kaya pinaniniwalaan ring may tiyak na katotohanan at walang pagkakamali ang aklat na ito.

Sa Ebreo (o Hebreo), tinatawag itong B'reshit o Bərêšîth (בראשית, mula sa unang salita ng tekstong Ebreo) na nangangahulugang "sa simula". Katulad rin ng pagpapangalan sa Henesis ang ginawang pagbibigay ng pamagat para sa iba pang apat na mga aklat ng Pentateuko.

Arkeolohiyang pambibliya

Ang arkeolohiyang pambibliya, arkeolohiyang biblikal, o arkeolohiyang makabibliya (Ingles: biblical archaeology) ay ang arkeolohiya na nauukol sa Bibliya. Ang nangingibabaw na pananaw ng mga arkeologo na gumagawa sa Gitnang Silangan partikular sa Palestina/Israel sa sinasabing panahong Biblikal ay ang mga kuwento sa Bibliya ay sinasalungat ng mga ebidensiyang arkeolohikal na natagpuan sa mga lugar na ito. Sa katunayan, ang terminong biblikal na arkeolohiya ay isinantabi na at ang mas pinapaborang termino ng mga arkeolohiya ng Gitnang Silangan sa kasalukuyang panahon ang arkeolohiyang Siro-Palestinyano.

Deuteronomio

Huwag itong ikalito sa Deuterokanoniko.Ang Aklat ng Deuteronomio ay ang panlima at pinakahuling aklat ng Torah o Pentateuco. Nangangahulugang "ikalawang batas" ang salitang Deuteronomio, ngunit hindi nakalahad sa librong ito ang isang bagong batas, bagkus isang pag-uulit at pagbubuo lang ng batas mula sa Diyos sa Bundok ng Sinai. Itinuturing na buod lamang ito ng mga kaganapang nangyari na sa iba pang mga aklat ng Pentateuco, kaya't isa lamang itong huling habilin ni Moises para sa bayang Israel, bago siya sumakabilang-buhay.

Deuteronomista

Ang Deuteronomista o Deuteronomist, o simpleng D ang isa sa pinagkunan ng Torah ng Bibliya. Ang ibang tatlo ang tekstong Saserdote, ang Yahwist at Elohist. Ito ay matatagpuan sa aklat ng Deuteronomio, sa Aklat ni Josue, Aklat ng mga Hukom, Aklat ni Samuel at Aklat ng mga Hari(ang kasaysayang Deuteronomistiko o DtrH) gayundin sa Aklat ni Jeremias. Ang mga Deuteronomista ay nakikitang higit bilang isang eskwela o kilusan sa halip na isang may akda. Pangkalahatang inaayunan ng mga skolar ng Bibliya na ang Deuteronomista ay nagmulang independiyente sa Aklat ng Genesis, Aklat ng Exodo, Aklat ng Levitico, at Aklat ng mga Bilang(ang unang apat na aklat ng Torah) at sa kasaysayan ng Aklat ng mga Kronika). Ayon sa karamihan ng mga skolar, ang karamihan ng tekston gito ay nagmula sa pagkakatapon sa Babilonya(noong ika-6 siglo BCE). Ito ay nauugnay sa editoryal na pagbabago ng parehong Tetrateuch at Aklat ni Jeremias.

Hesus

Si Hesús (Griyego: Ἰησοῦς Iesous; 7–2 BCE hanggang 30–36 CE) ang itinuturing ng maraming Kristiyano na sentrong katauhan ng relihiyong Kristiyanismo at ang tagapagtatag ng Kristiyanismo. Siya ay pinaniniwalaan ng maraming mga Kristiyano na isang tagapagligtas at mesiyas ng Hudaismo.

Ang apat na kanonikál na Ebanghelyo nina Mateo, Marcos, Lucas, at Juan ang mga pangunahing sanggunian tungkol sa talambuhay at mga katuruan ni Hesus. Gayunpaman, pinagtatalunan pa rin ng mga iskolar ng Bagong Tipan kung ang apat na ebanghelyong ito ay maaasahang mga salaysay ng búhay ni Hesus o hindi, gayundin kung sino ang mga tunay na may akda nito, kung kailan ito isinulat, alin sa mga talata nito ang tunay na sinalita ni Hesus at kung alin sa mga talata nito ang orihinal mula sa mga magkakaibang manuskrito. Kabílang sa mga pinagdududahang salaysay ng mga iskolar sa apat na ebanghelyo ang kapanganakan ni Hesus, mga detalye tungkol sa kaniyang pagpapako sa krus at kaniyang muling pagkabuhay mula sa patay. Ang ilang mga skolar ay naniniwalang ang apat na ebanghelyo ay hindi naglalaman ng anumang historikal na impormasyon tungkol sa búhay ni Hesus.Si Hesus ay inilalarawan sa apat na kanonikál na ebanghelyo na isang Hudyo at pinaniniwalaang nabuhay sa pagitan ng mga taong 7 BCE - 36 CE sa Palestina (kasalukuyang Israel). Siya ay inilarawan na isang isang rabbi na nagsagawa ng mga milagro at nag-angkin na mesiyas at tagapagligtas. Pinaniniwalaan ng mga skolar ng bibliya na si Hesus ay isang apokaliptikong Propeta na humula sa nalalapit na pagwawakas ng daigdig na magaganap noong unang siglo CE at hahatol kasáma ng kaniyang 12 apostol sa 12 lipì ng Israel (Mateo 16:24-28, Mateo 19:28, Mateo 24:34, Marcos 13:30-33). Nang mabigong matupad ang inaasahan ng mga Kristiyano noong unang siglo na muling pagbabalik ni Hesus pagkatapos ng ilang mga dekada, ang mga tekstong ito ay muling pinakahulugan ng kaniyang mga alagad.May iba't ibang mga interpretasyon ang iba't ibang mga denominasyong Kristiyano tungkol sa tunay kalikasan at mga katuruan ni Hesus mula pa sa mga simulang kasaysayan ng Kristiyanismo hanggang sa kasalukuyang panahon. Ang ilang sekta ay naniniwalang isa siyang diyos, sa iba namang sekta ay isa lámang propeta, sa iba ay tao lámang, at iba pa.

May mga nagsasabi na ang historisad o pagiging tunay na umiral ng indibidwal na si Hesus ay hindi totoo. Ang ibang mga iskolar ay nagmungkahi na si Hesus ay hindi talaga umiral ngunit inimbento lámang at kinopya ang kuwento nito sa mga paganong diyos na namatay at muling nabuhay sa Ehipto at Gresya. Ngunit, halos lahat ng modernong iskolar ng sinaunang kasaysayan, Kristiyano man o hindi, ay sumasangayon na si Hesus ay talagang na buhay. Sa isang review noong 2011 tungkol sa kalagayan ng modernong iskolarship, sinulat ni Bart Ehrman : "He certainly existed, as virtually every competent scholar of antiquity, Christian or non-Christian, agrees". Sinasabi ni Richard A. Burridge: "There are those who argue that Jesus is a figment of the Church's imagination, that there never was a Jesus at all. I have to say that I do not know any respectable critical scholar who says that any more". Si Robert M. Price ay hindi naniniwalang nabuhay si Hesus, ngunit sumasangayon siya na ang kanyang perspektibo ay hindi tugma sa konklusyon ng karamihan ng iskolar. Tinawag ni James D.G. Dunn ang mga teoryang mito bilang isang "thoroughly dead thesis". Si Michael Grant, isang classicist, ay sinulat noong 1977 na: "In recent years, no serious scholar has ventured to postulate the non historicity of Jesus or at any rate very few, and they have not succeeded in disposing of the much stronger, indeed very abundant, evidence to the contrary". Ayon kay Robert E. Van Voorst, ang mga iskolar biblikal at ang mga nag-aaral ng klasikal na kasaysayan ay itunuturing ang "teoryang mito" bilang mga na-refute na argumento.

Hudaismo

Ang Hudaismo (Kastila: ju·da·ís·mo; Ebreo: יהדות, yahedut) ang kulturang pampananampalataya ng mga Hudyo. Isa ito sa mga kauna-unang naitalang pananampalatayang monoteista at isa rin sa mga pinakalumang tradisyong pampananampalatayang sinusundan pa rin hanggang sa ngayon. Ang doktrina at kasaysayan ng Hudaismo ay ang pinakamalaking bahagi ng batayan ng ibang mga pananampalatayang Abraamiko, kasama na ang Kristyanismo at Islam. Sa gayon, naging isang pangunahing pwersa ang Hudaismo sa pagsasahugis ng daigdig. Ang kanilang naging simbolo ay ang Bituin ni David; sa kasalukuyan ang kanilang simbolo ay ang isang aranyang may pitong sanga, na tinatawag na menora.

Israel

Para sa ibang gamit, tingnan ang Israel (paglilinaw).Ang Israel at opisyal na kilala bilang Estado ng Israel (Hebreo: מְדִינַת יִשְׂרָאֵל‎, Medīnat Yisrā'el; Arabiko: دَوْلَة إِسْرَائِيل‎, Dawlat Isrāʼīl) ay isang republikang parlamento sa Gitnang Silangan sa katimugang silangang baybayin ng Dagat Mediterraneo. Ito ay nahahangganan ng mga bansang Lebanon sa hilaga, Syria sa hilagang silangan, Jordan at West Bank sa silangan, Ehipto at Gaza Strip sa timog kanluran at Golpo ng Aqaba sa Dagat Pula sa timog. Kasunod ng pagtanggap ng isang resolusyon ng United Nations General Assembly noong 29 Nobyembre 1947 na nagrerekomiyenda ng pagtanggap at implementasyon ng planong paghahati ng Mandatoryong Palestina ng United Nations, idineklara ni David Ben-Gurion na Ehekutibong Puno ng Organisasyong Zionista ng Daigdig at presidente ng Ahensiyang Hudyo para sa Palestina "ang pagkakatatag ng estadong Hudyo sa Eretz Israel na kikilalanin bilang Estado ng Israel" noong 14 Mayo 1948. Ang mga kapitbahay na estadong Arabo ay sumakop sa Israel nang sumunod na araw bilang pagsuporta sa mga Arabong Palestino. Mula nito, ang Israel ay nakipagdigmaan sa mga kapitbahay na estadong Arabo na sa kurso nito ay sumakop sa West Bank, Peninsulang Sinai (sa pagitan ng 1967 at 1982), Gaza Strip at Golan Heights. Ang mga bahagi ng mga teritoryong ito kabilang ang Silangang Herusalem ay idinagdag ng Israel sa mga teritoryo nito ngunit ang hangganan sa kapitbahay na West Bank ay hindi pa permanenteng nailalarawan. Ang Israel ay lumagda sa mga kasunduang kapayapaan sa Ehipto at Jordan ngunit ang mga pagsisikap na lutasin ang alitang Israeli-Palestino ay hindi pa tumutungo sa kapayapaan. Ang populasyon ng Israel noong 2012 ayon sa Israel Central Bureau of Statistics ay tinatayang 7,941,900 na ang 5,985,100 nito ay mga Hudyo. Ang mga Arabong Israeli ang ikalawang pinakamalaking pangkat etniko na binubuo ng 1,638,500 (kabilang ang mga Druze at Bedouins). Ang ibang mga minoridad at denominasyong etno-relihiyon ay kinabibilangan ng Druze, Circassian, mga Itim na Hebreong Israelita, mga Samaritano, mga Maronite at iba pa. Ang status quo ng relihiyon na inayunan ni Ben-Gurion sa mga partidong Ortodoksong Hudyo sa panahon ng deklarasyon ng independiyensiya ng Israel noong 1948 ay isang kasunduan sa papel ng Hudaismo na gagampanan sa pamahalaan at sistemang hudikatura ng Israel. Ang Israel ang isa sa pinakamaunlad na bansa sa Timog kanlurang Asya sa pag-unlad ng ekonomiya at industriya at ang bansang may pinakamataaas na pamantayan ng pamumuhay sa Gitnang Silangan.

Kabataan ni Hesus

Para sa ibang gamit, tingnan ang Batang Hesus (paglilinaw).

Ang Kabataan ni Hesus ay ang nakatalang panahon mula pagkakasilang at Kamusmusan ni Hesus o ng Batang Hesus hanggang sa hindi nakatala ngunit pinaniniwalaang naging buhay ni Hesus pagkaraan ng kaniyang ikalabindalawang taong edad sa mundo bago umabot sa edad na tatlumpo.

Kristiyanismo

Ang Kristiyanismo ay isang relihiyong monoteista (naniniwala sa iisang diyos lámang) na nakabatay sa búhay at pinaniniwalaang mga katuruan ni Hesus na pinaniwalaan ng mga Kristiyano na isang tagapagligtas at mesiyas ng Hudaismo. Ito ay ang pinakamalaking relihiyon sa kasalukuyan sa buong daidig na may higit kumulang sa 2.1 bilyong táong kasapi nito.

Ang Kristiyanismo sa simulang kasaysayan nito noong mga maagang siglo nito ay hindi isang nagkakaisang kilusan ngunit binubuo ng mga pangkat na may mga magkakatunggaling pananaw na gumagamit ng mga iba't ibang kasulatan. Ang kanon ng Bagong Tipan (na tinatanggap ng marami ngunit hindi lahat ng Kristiyano sa ngayon) na nabuo lamang noong ika-4 siglo CE ang kanon na pinagpasyahan ng isang pangkat ng Kristiyano. Sa karagdagan, ang mga kasunduan sa teolohiya ay nabuo lámang sa mga Unang Pitong Konsilyo na nagsimula lamang noong ika-4 siglo CE kung saan ang pangkat na nanalo sa mga halalang ito ang naging ortodoksiya. Ang mga konsehong ito ay sinimulan ni Emperador Constantino upang maabot ang isang pagkakaisa ng mga magkakatunggaling sektang Kristiyano sa kanyang Imperyong Romano. Sa mga konsehong ito na kinondena ng nanalong ortodoksiya ang kanilang mga katunggaling sektang Kristiyano na natalo sa mga halalang ito bilang mga eretiko. Ang ortodoksiya ang ginawang opisyal na relihiyon ng Imperyo Romano ni Emperador Theodosius I at kanyang sinupil ang ibang mga sektang Kristiyano gayundin ang mga relihiyong pagano na katunggali ng ortodoksiyang ito. Kalaunan, ang ortodoksiya ay nagkabaha-bahagi sa iba't ibang mga pangkat dahil sa mga hindi mapagkasunduang doktrina.

Ang mga pagkakabaha-bahaging ito ay nagpapatuloy pa rin hanggang sa kasalukuyang panahon dahil sa mga iba't ibang magkakatunggaling interpretasyon tungkol sa tunay na kalikasan at mga katuruan ni Hesus. Ang mga karamihan sa mga sektang ito ay nag-aangkin na sila ang isang totoong simbahang Kristiyano at ang ibang mga sektang Kristiyano ay hindi totoo.

Manetho

Si Manetho o Manethon ( /ˈmænɪθoʊ/; Sinaunang Griyego: Μανέθων, Manethōn, o Μανέθως, Manethōs), na nakikilala rin bilang Maneto, Maneton, o Manetheo ay isang Ehipsiyong manunulat ng kasaysayan at pari mula sa Sebennytos (sinaunang wikang Ehipsiyo: Tjebnutjer) na namuhay noong panahong Ptolemaiko, na tinatayang noong ika-3 daantaon BK. Ilan sa mga manunulat ng kasaysayan ang nagpapanatili na si Manetho ay mula sa Roma at inakdaan niya ang kaniyang akda noong humigit-kumulang sa sirka 200 AD Isinulat ni Manetho ang Aegyptiaca (Kasaysayan ng Ehipto). Kaakit-akit para sa mga ehiptologo ang kaniyang gawa, at madalas na ginagamit bilang katibayan para sa kronolohiya ng mga pamumuno ng mga paraon. Ang pinakamaaga at nag-iisang nailigtas at umiiral na pagtukoy sa Aegyptiaca ni Manetho ay ang ginawang pagbanggit ni Hudyong manunulat ng kasaysayan na si Josephus, sa loob ng kaniyang akdang "Laban kay Apion".

Mga Ebreo

Para sa ibang gamit, tingnan ang Ebreo (paglilinaw).Ang mga Ebreo (Ebreo: עברים, ivrim, "mga tumawid"), ayon sa Tanakh at sa Bibliya, ang isa sa mga pangkat etnitkong naninirahan sa Kanaan mula noong tagumpay ni Josue sa pananakop at hanggang sila'y sakupin ng mga taga-Babilonya at ipinatapon. Nahati sila sa labindalawang lipi, ang bawat isa inapo ng mga anak na lalaki ni Jacob.

Dahil nasakop din nila ang timog-silangan ng Asya Menor ng Anatolia, minsan din itong tinuring bahagi ng Asya Menor.

Nang maitatag ang Kaharian ng Israel, sinimulan silang tawaging mga Israelita (Ebreo: ישראל, yisra'eli).

Ang mga natira sa mga Israelita pagkatapos ng pananakop ng Asirya ang naging ninuno ng mga kasalukuyang Hudyo.

Oxyrhynchus Papyri

Ang Oxyrhynchus Papyri ay ang pangkat ng mga manuskrito na nadiskubre ng mga arkeologong Ingles na sina Bernard Pyne Grenfell at Arthur Surridge sa Oxyrhynchus, Ehipto. Ito ay naglalaman ng mga dokumentong Griyego kabilang na ang mga manuskristo ng Bagong Tipan, mga dokumentong Latin at mga iba pang gawang literatura.

Paglikha ayon sa Genesis

Ang paglikha ayon sa Genesis o mito ng paglikha ayon sa Genesis ay naglalaman ng pangunahing mito ng paglikha ng parehong relihiyong Hudaismo at Kristiyanismo. Ang mitong ito ay nilalaman ng unang dalawang mga kapitulo ng Aklat ng Genesis. Ang unang kapitulo o kabanata ay naglalarawan ng pagkakaliha ng mundo ni Elohim (אֱלֹהִ֔ים na salitang Hebreo para sa diyos) sa loob ng anim na araw(Hebreo: יום‎, yom) sa pamamagitan ng salita ng diyos na humantong sa pagkakalikha ng sangkatauhan at ang diyos ay nagpahinga, nagpala at nagpabanal ng Shabbat (ikapitong araw). Ang ikalawang kapitulo ay naglalarawan kay YHWH—na personal na pangalan ng diyos ng Israel na lumikha ng unang tao na si Adan mula sa alikabok(o alabok) ng lupa, iniligay ito sa Hardin ng Eden at lumikha ng unang babae na si Eba mula sa tadyang ni Adan. Inilarawan ng skolar na si Robert Alter ang pinagsamang salaysay bilang "makapipilit sa katangiang arketipal nito, at pag-aangkop nito ng mito sa mga layuning monoteistiko".Ayon sa karamihan ng mga modernong skolar ng Bibliya, ang mga Israelita ay humiram ng ilang mga tema mula sa mitolohiyang Mesopotamiyano (Irak) ngunit inangkop ang mga ito sa kanilang monoteistikong (may isang diyos na) paniniwala sa Hudaismo gaya ng isinasaad ng shema. Sa Genesis 1, ang diyos ay lumikha sa pamamagitan ng sinalitang kautusan ("Let there be.../Hayaang magkaroon ng...") na nagmumungkahi ng paghahambing sa isang hari na nagsasalita lamang para mangyari ang mga bagay. Ang bawat utos ay sinusundan ng pagbibigay pangalan ("And he called.../At kanyang tinawag"). Sa sinaunang Malapit na Silangan, ang pagpapangalan ay nakatali sa akto ng paglikha kaya sa panitikang Ehipsiyo, ang manlilikhang diyos ay naghayag ng pangalan ng lahat ng bagay at ang Enuma Elish ay nagsisimula sa puntong "walang pang napapangalanan". Ang pandiwang Hebreo na ginamit upang ilarawan ang aktong paglikha ng diyos ang ברא, bara na ginagamit lamang sa diyos bilang subhekto. Walang nilalang kabilang ang tao na kailanman naging subhekto(paksa) ng pandiwang bara ngunit obheto lamang. Ayon kay John Walton, ang bara ay tumutungkol hindi sa pagkakalikha ng materya ex nihilo ("mula sa wala"), kundi sa pagsasaayos ng mga tungkulin at gampanin. Ayon kay Walter Brueggemann, ito ay maaaring parehong pakahulugan bilang tumutukoy sa paglikhang ex nihilo at pagsasaayos ng mga tungkulin at gampanin at ang ebidensiyang gramatikal sa anuman sa pananaw na ito ay hindi konklusibo. Sa anumang kaso, kanyang binigyan ng konklusyon na ang salasay ng paglikha ayon Genesis ay nagbibigay diin sa monoteismo at probidensiya ng diyos at hindi na kailangang mamili sa pagitan ng dalawang pagpipiliang exegetical kung ang mismong teksto ay hindi pumipili. Ang mga konserbatibong exegete ng Hudaismo o Kristiyanimo ay nagsasaad na ang bara ay talaga ngang tumutukoy sa paglikhang ex nihilo. Sa Genesis 2, ang salitang Hebreo na ginamit nang buuin ng diyos ang unang tao ay יצר, yatsar, na nangangahulugang "fashioned"(hinugis) na isang pandiwang ginagamit sa kontekstong gaya ng isang magpapalayok na naghuhugis ng palayok. Hiningahan ng diyos ng kanyang hininga ng buhay ang tao at ito ay naging isang buhay na kaluluwaנֶפֶש nephesh na isang salitang nangangahulugang buhay, kasiglahan o buhay na personalidad. Ang tao ay nagsasalo ng nephesh sa lahat ng mga nilalang ngunit tanging ang tao ang inilarawan ng aktong ito ng pagbibigay buhay ng diyos. Ang isang karaniwang pananaw sa mga kasalukuyang skolar ng Bibliya ay ang komprehensibong drapto ng Pentateuch(ang unang limang aklat ng Lumang Tipan na Aklat ng Genesis, Aklat ng Exodo, Aklat ng Levitico, Aklat ng Bilang at Deuteronomiyo) ay nilikha sa huli ng ika-7 o ika-6 na siglo BCE ng Yahwist at ito ay kalaunang pinalawig sa pamamagitan ng mga pagdaragdag ng iba't ibang mga salaysay at batas ng pinagkunang pangsaserdote(priestly source) sa isang akdang tulad ng makikita sa Pentateuch ngayon. Sa salaysay, ang dalawang mga pinagkunan ay lumilitaw sa magkabaligtad na pagkakaayos. Ayon sa pinakalaganap na delineasyon(paghahati) ng mga pinagkunan, ang Genesis 1 ay mula sa pinagkunang pangsaserdote(priestly source) at ang Genesis 2 ay sa Yahwistiko. Sa pananaw ng mga skolar ng Bibliya, ang nananaig na layunin ng akdang ito ay upang itatag ang pagkakalikhang monoteistiko(paniniwala sa isang diyos na si Yahweh) bilang pagtutol o paglaban sa politeistikong(paniniwala sa maraming diyos) panniniwala ng kaaway ng bansang Israel na Imperyong Babylonian. Sa pagtalakay ng skolar ng Bibliya at propesor na si R.N. Whybray sa mga tema ng Aklat ng Genesis sa Oxford Bible Commentary, kanyang isinulat na ang primebal(panimulang) salaysay(Genesis 1 hanggang Genesis 11) ay nagpapakilala ng supremo at isang diyos na lumikha ng mundo na "mabuti"; kalaunan, ang sangkatauhan ay nagrebelde sa diyos na ito at nagpadala ng malaking baha na sinundan ng tamang panahon ng isang mas may pag-asang kapalaran ng sangkatauhan na pinagpala sa pamamagitan ni Abraham.

Propesiya ng Bibliya

Ang Propesiya o hula ng Bibliya ay karaniwang tumutukoy sa paghula ng mga pangyayari sa hinaharap batay sa aksiyon o tungkulin ng isang propeta ng Bibliya. Ang gayong mga talata ay malawak na makikita sa Bibliya sa parehong Lumang Tipan at Bagong Tipan. Para sa mga Hudyo at Kristiyano ang mga hulang ito ay natupad at matutupad at kaya ay nagpapatunay ng pagiging totoo ng Bibliya. Para sa mga skolar at skeptiko, ang mga hula sa Bibliya ay malabo at bukas sa maraming mga interpretasyon at ang karamihan sa mga spesipikong hula ay hindi natupad. May mga iba't ibang interpretasyon ang iba't ibang mga sekta ng Hudaismo, Kristiyanismo at Islam sa sinasabing mga hulang ito sa Bibliya.

Ramesses II

Para sa ibang gamit, tingnan ang Ramesses (paglilinaw).Si Rameses II (ipinanganak noong 1300 BK) kilala rin bilang Rameses ang Dakila o Remeses na Dakila, binabaybay ding Ramses o Ramesses; unikodigo: *Riʕmīsisu; nakikilala rin na Ozymandias sa mga sangguniang Griyego, mula sa transliterasyon patungong Griyego ng pangalang niyang pangtronong User-maat-re Setep-en-re, ay ang pangatlong Ehipsiyong paraon ng ika-19 dinastiya ng Ehipto. Kalimitan siyang itinuturing bilang pinakamagaling, pinakapinagdiriwang, at pinakamakapangyarihang paraon. Tinawag siya ng kanyang mga kapalit at mga lumaong mga Ehipsiyo bilang "Dakilang Ninuno".

Septuagint

Ang Septuagint (play /ˈsɛptjuːəˌɪnt/), o pinaikling "LXX", o "Griyegong Lumang Tipan", ang salin sa Griyegong Koine na Tanakh (Bibliyang Hebreo) at mga deuterokanoniko. Ang LXX ay tinutukoy sa mga akdang kritikal ng abrebiasyong or G.

Ang Septuagint ay orihinal na designasyon ng Hudyong Torah sa Griyegong Koine na lingua franca ng Silangang Mediterraneo mula sa kamatayan ni Dakilang Alejandro (323 BCE) hanggang sa pagkakabuo ng Griyegong Byzantino (c.600 CE). Ang ilang sinaunang bago ng panahong Kristiyanong bersiyon ng Septuagint ay tinitingan nang may dakilang respeto sa sinaunang mga panahon. Sina Philo na pilosopong Hudyong Hellenistiko at Josephus na unang siglo CE Romanong-Hudyong historyan ay nagturo ng pagkasi ng diyos sa mga tagasaling Hudyo ng Septuagint. Gayunpaman, simula ng Huli ng Antikwidad na minsang itinuro sa konseho ng Jamnia, ang nananaig na Hudaismong Rabiniko ay tumakwil sa Septuagint bilang isang balidong tekstong Hudyo dahil sa natiyak na mga mistranslasyon (maling salin) nito ng Tanakh (Hebreo) kasama ng mga elementong Hellenistiko-heretikal nito at kaya ay mas pinapaboran ng mga Hudyo ang tekstong Hebreo na Masoretiko sa halip na saling Griyego na Septuagint. Ang tekstong Masoretiko rin ang basehan ng mga modernong salin ng Lumang Tipan ng Bibliya sa mga bibliyang Protestante at Romano Katoliko ngunit ang Septuagint ang patuloy na ginagamit sa mga bibliya ng Silangang Ortodokso dahil sa paniniwala nito na kinasihan ng diyos ang Septuagint. Bilang resulta, ang sinaunang mga saling Hudyo ng Torah sa Griyegong Koine ng mga Hudyong Rabbanim ay umiiral lamang sa kasalukuyan panahon bilang mga bihirang pragmento (hindi kumpleto). Ang mga skribang Hudyo ay nagbibigay rin sa orihinal na Hebreo nang walang hanggang kalidad na hindi dapat hawakan o bilangin.

Sa paglipas ng panahon, ang LXX ay nakilala bilang "Griyegong Lumang Tipan" ng Kristiyanismo na nagsasama ng mga salin ng lahat ng mga aklat ng Tanakh at ng mga aklat na kalaunang itinuring na apokripa o deuterokanoniko na ang ilan ay isinulat sa Griyego. Ang ilang mga bersiyon ay tanging naingatan sa anyong pragmentaryo. Dahil sa pagiging akdang komposito, ang proseso ng pagsasalin ng sinaunang Septuagint ay may ilang natatanging mga yugto. Ito ay nagsimula sa ikatlong siglo BCE at nakumpleto noong 132 BCE.

Bukod sa Vetus Latina, ang Septuagint rin ang basehan ng mga salin ng Kristiyanong Lumang Tipan sa mga wikang Wikang Lumang Simbahang Slaboniko, bersiyong Syro-hexaplar , Lumang Armenio, Lumangb Georhiyano, at Wikang Koptiko. Ang Septuagint ang salin na pinagsipian (quoted) ng mga talata ng Lumang Tipan ng mga may-akda ng Bagong Tipan kabilang ang mga salita ni Hesus at partikular na ni Apostol Pablo at ng mga ama ng simbahan. Ang Bagong Tipan ay pinaniniwalaan ng mga skolar ng Bibliya na orihinal na isinulat sa Griyego.

Serpiyente (Bibliya)

Ang Serpiyente na hinango mula sa Latin na serpens ay isang gumagapang na hayop o ahas (Hebreo: נחש‎), nahash, (na nangangahulugang tagabulong at tanniyn) ay umiiral sa parehong Tanakh at Bagong Tipan. Ang serpiyente o ahas ay gumampan ng mahahalagang mga papel sa buhay panrelihiyon at pang-kultura ng Sinaunang Ehipto, Canaan, Mesopotamia, at Gresya. Ang serpiyente ay isang simbolo ng kapangyarihang masama at Kaguluhan mula sa mundong ilalim gayundin bilang isang simbolo ng pertilidad, buhay at paggaling. Ang Hebreong Nahash para sa ahas ay nauugnay rin sa dibinasyon kabilang ang isang anyong-pandiwang kahulugan na magsanay ng dibinasyon o panghuhula. Ang Tanniyn ay isang anyo ng halimaw na dragon na umiiral sa buong Tanakh. Sa Aklat ng Exodo, ang mga tungkod ni Moises at Aaron ay ginawang mga serpiyente na isang nahash para kay Moises at isang tanniyn para kay Aaron.

Simbahang Katolika Romana

Ang Simbahang Katolika o Simbahang Katolika Romana, Iglesya Katolika ay ang pinakamalaking Kristiyanong simbahan na may humigit-kumulang 1.3 bilyong nabautismuhang Katoliko. Bilang pinakamatanda at pinakamalaking internasyonal na institusyon na patuloy na gumagana sa buong daigdig, ito ay gumanap ng isang prominenteng papel sa kasaysayan at pag-unlad ng Kanlurang sibilisasyon. Ang simbahan ay pinamumunuan ng Obispo ng Roma, na kilala bilang ang Santo Papa. Ang gitnang pamamahala nito, ang Banal na Luklukan, ay nasa Lungsod ng Vaticano, isang teritoryo sa loob ng lungsod ng Roma sa Italya.

Ang mga paniniwalang Kristiyano ng Katolisismo ay batay sa Credong Niceno. Itinuturo ng Simbahang Katolika na ito ay ang Iisang, Banal, na Laganap at Apostolikong Simbahan na itinatag ni Hesukristo sa kanyang Dakilang Komisyon, na ang mga obispo nito ay mga kahalili ng mga apostol ni Cristo, at ang papa ay ang kahalili kay San Pedro na kung saan ipinagkaloob ang primarya sa mga apostol ni Jesucristo. Ipinapanatili nito na nagsasagawa ito ng orihinal na pananampalatayang Kristiyano, na napapanatili ang di-pagkakamali, na ipinasa ng sagradong tradisyon. Ang Latinong Simbahan, at ang dalawampu't tatlong mga Silanganing Simbahang Katoliko, at mga institusyon tulad ng mga mendikanong order, nakapaloob na mga order ng monastiko at pangatlong utos na sumasalamin sa iba't ibang mga teolohiko at espiritwal na mga pagpapaliwanag sa simbahan.

Sa pitong sakramento nito, ang Eukaristiya ang pangunahing, na ipinagdiwang ng liturhiko sa Misa. Itinuturo ng simbahan na sa pamamagitan ng pag-aalay ng isang pari ang tinapay at alak ay naging katawan at dugo ni Cristo. Ang Birheng Maria ay pinipintuho sa Simbahang Katoliko bilang Ina ng Diyos at Reyna ng Langit, pinarangalan sa mga dogma at debosyon. Kasama sa turo nito ang Banal na Awa, pagpapakabanal sa pamamagitan ng pananampalataya at pag-e-ebanghelyo ng Ebanghelyo pati na rin ang pagtuturo sa lipunan ng Katoliko, na binibigyang diin ang kusang suporta para sa mga maysakit, mahihirap, at nagdurusa sa pamamagitan ng korporasyon at espirituwal na mga gawa ng awa. Ang Simbahang Katoliko ay ang pinakamalaking tagapagbigay ng hindi pang-gobyerno na edukasyon at pangangalaga sa kalusugan sa buong mundo.

Naimpluwensyahan ng Simbahang Katoliko ang pilosopiya, kultura, sining, at agham. Ang mga Katoliko ay naninirahan sa buong mundo sa pamamagitan ng mga misyon, diaspora, at mga pagbabagong-loob. Mula noong ika-20 siglo, ang karamihan ay naninirahan sa timog na hemisphere dahil sa sekularisasyon sa Europa, at nadagdagan ang pag-uusig sa Gitnang Silangan.

Ang Simbahang Katoliko ay nagbahagi ng pakikipag-ugnayan sa Silanganing Simbahang Ortodokso hanggang sa East-West Schism noong 1054, na pinagtatalunan lalo na ang awtoridad ng Santo Papa. Bago ang Konseho ng Efeso noong AD 431 ang Simbahan ng Silangan ay nakibahagi din sa pakikipag-ugnay na ito, tulad ng ginawa ng mga Oryental na Simbahang Ortodokso bago ang Konseho ng Chalcedon noong AD 451, lahat ay naghihiwalay lalo na sa mga pagkakaiba-iba sa Kristolohiya.

Tabernakulo

Ang tabernakulo ay isang salitang nangangahulugang "pook na tirahan". Tumutukoy din ito sa isang natatanging kubol kung saan sinasamba ng mga Israelita ang Diyos, na nakaugalian ding tinatawag bilang Kubol ng Pagpupulong o Kubol ng Pagkikita, isang pook kung saan humaharap ang Diyos sa kanyang mga tao. Ginamit ng mga Israelita ang tabernakulo hanggang sa magtayo si David ng isang templo. Isang sipi o kopya lamang ang tabernakulong itinatag sa mundo ng tunay na tabernakulong nasa kalangitan. Kaugnay ni Hesus, dahil sa kanyang sakripisyo, makakapasok na sa "makalangit na tabernakulo" ang lahat ng mga tagasunod ni Hesus, isang pook kung saan talagang makakaharap nila ang Diyos. Kilala rin ito bilang Kubol ng Presensiya ng Panginoon. Nilalarawan ito sa kabanata 26 ng Aklat ng Eksodo sa Lumang Tipan ng Bibliya, kung saan sinasamba ng mga Israelita hanggang sa maitatag ni Haring David ang templo.

Sa ibang pakahulugan, tumutukoy din ang tabernakulo sa mismong templo, sa taguan ng ostiya, at sa taguan ng isang estatwa o relikya. Sa larangan ng pagbabarko o nabigasyon, ito ang poste ng layag ng isang barko. Sa salin sa Tagalog ng Bibliya ni Jose C. Abriol, tinawag ni Abriol ang tabernakulo bilang Ang Tirahan. Kilala rin ito bilang Ang Tabernakulo ng Diyos at Toldang Tipanan Kubol na Tipanan.

Sa ibang wika

This page is based on a Wikipedia article written by authors (here).
Text is available under the CC BY-SA 3.0 license; additional terms may apply.
Images, videos and audio are available under their respective licenses.