1996

Ang 1996 ay isang bisiyestong taon na nagsisimula sa Lunes sa kalendaryong Gregorian.

Dantaon: ika-19 na dantaon - ika-20 dantaon - ika-21 dantaon
Dekada: Dekada 1960  Dekada 1970  Dekada 1980  - Dekada 1990 -  Dekada 2000  Dekada 2010  Dekada 2020
Taon: 1993 1994 1995 - 1996 - 1997 1998 1999

Kaganapan

  • Agosto 1 - si Sarah Balabagan sa kanyang pagbabalik sa Pilipinas.

Kapanganakan

Enero

Ella Henderson (2) By Daniel Åhs Karlsson (cropped)
Ella Henderson
  • Enero 12 – Ella Henderson, Britanyang Mang-aawit

Pebrero

Marso

Taylor Marie Hill Reem Acra FW 15 Show
Taylor Marie hill
  • Marso 5 - Taylor Marie Hill, Amerikanang modelo/Victoria's Secret Angel

Abril

Mayo

Birdy-2450
Birdy
  • Mayo 15 - Birdy, Inglaterang Mang-aawit

Hunyo

Tom Holland by Gage Skidmore
Tom Holland
  • Hunyo 1 - Tom Holland, Inglaterang aktor (Spiderman ng Marvel Cinematic Universe)

Setyembre

Disyembre

National Memorial Day Concert Open Dress Rehersal - May 24, 2015 (cropped)
Stefanie Scott
Hailee Steinfeld by Gage Skidmore
Hailee Steinfeld
  • Disyembre 11 – Hailee Steinfeld, American actress, model at mang-aawit

Mga sanggunian


Taon Ang lathalaing ito na tungkol sa Taon ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.

Adygea

Naka-redirect ang "Adygea" dito. Para sa ibang gamit, tingnan ang Adygea (paglilinaw).

Ang Republika ng Adygea (IPA: /ɑːdɨˈɡeɪ.ə/; Ruso: Респу́блика Адыге́я, tr. Respublika Adygeya, IPA [ɐdɨˈɡʲejə]; Adyghe: Адыгэ Республик, Adıge Respublik) ay isang kasakupang pederal ng Rusya (isang republika) na nakapaloob o malapit sa Krasnodar Krai. Ang lawak nito ay 7,600 square kilometer (2,900 mi kuw) na may populasyon na 440,388 (paunang resulta ng Senso ng 2010). Maykop ang kabisera nito.

Alaska Aces

Ang Alaska Aces ay isang koponan sa Philippine Basketball Association na pumasok sa liga noong 1986.

Ilan sa mga pangalan ng koponan ay ang Alaska Milk, Hills Bros. Coffee Kings, Alaska Air Force, at ang Alaska Milkmen.

Binansagan silang "Team of the 90's" dahil sa kanilang siyam na kampyunado kasama ang isang grandslam noong 1996 sa pamumuno ni Johnny Abarrientos, Jojo Lastimosa, Bong Hawkins at Jeffrey Cariaso. Noong 1997, dumating mula sa Pop Cola si Kenneth Duremdes at ng taong sumunod ay nanalo siya ng Most Valuable Player award.

Matapos ang pagdating ng bagong milenyo ay nanalo ng tatlo pang kampeyonato, ang huling dalawa sa pamumuno nila John Arigo, Don Allado, at Ali Peek noong 2003 Invitationals at nila Mike Cortez, Willie Miller, Reynel Hugnatan, at import Roselle Ellis nitong Fiesta Conference.

Amenemnisu

Si Neferkare Amenemnisu ang paraon ng Ikadalawampu't isang Dinastiya ng Ehipto. Ang pag-iral ni Amenemnisu ay tanging nakumpirma noong 1940 nang ang libingan ng kanyang kahalili na si Psusennes I ay natuklasan ni Pierre Montet. Ang isang ginintuang bow cap na sinulatan ng parehong pangalang hari ni Amenemnisu na Neferkare at ang kanyang kahaliling si Psusennes I ay natuklasan sa libingan ni Psusennes I. Sa nakaraan, ang kanyang pag-iral ay pinagdudahan dahil walang mga bagay na nagpapangalan sa kanya ay natuklasan. Gayunpaman, ang ala-ala ng kanyang maikling paghahari bilang ikalawang paraon ng ika-21 dinastiya ay naingatan ng Epitome ni Manetho bilang haring Nephercheres na tinakdaan ng maikling paghaharing 4 na taon. Ang pangalan ni Amenemnisu ay nangangahulugang "Si Amun ay Hari". Bagaman ang kanyang paghahari ay nakakubli, ang Dakilang Saserdote ni Amun sa Thebes, Ehipto sa panahong ng kanyang paghahari na si Menkheperre ay alam na nagpatawad ng ilang mga pinuno ng isang paghihimagsik laban sa autoridad ng Dakilang Saserdote. Ang mga rebeldeng ito ay nakaraang ipinatapon sa Kanluraning Oasis ng Ehipto sa Taong 25 ni Smendes.

Demokratikong Republika ng Congo

Ang Demokratikong Republika ng Congo /kong·go/ (Pranses: République Démocratique du Congo), kilala ring DR Congo, DRC, Congo, Congo-Kinshasa ay isang bansa sa gitnang Aprika at ang ikalawang pinakamalaking bansa sa kontinente at ika-11 naman sa daigdig. Pinalilibutan ito ng Central African Republic at South Sudan sa hilaga, Uganda, Rwanda, Burundi at Tanzania sa silangan, Zambia at Angola sa timog, at Republika ng Congo sa kanluran. Sa populasyon nitong 75 milyon, ang Demokratikong Republika ng Congo ay ang pinakamataong bansang Francophone, ikaapat na pinakamataong bansa sa Aprika at ika-19 sa buong daigdig.

Ang mga Digmaang Sibil ng Congo na nagsimula noong 1996 na nagwakas sa 31 taong pamamayagpag sa kapangyarihan ni Mobutu Sese Seko, ay sumira sa bansa at di-naglaon kinabilangan ng siyam na bansa sa Aprika, maraming pangkat ng UN Peacekeepers at dalawampung armadong grupo. Nagdulot ng pagkasawi ng may 5.4 milyong katao ang nasabing mga digmaan mula 1998 kung saan higit sa 90% ng mga nasawi ay dahil sa malaria, diarrhea, pulmonya at malnutrisyon, na pinalalâ pa ng mga marurumi at siksikang kondisyon ng mga pinaglikasan ng mga refugee. Halos kalahati sa mga naging biktima ay mga bata na wala pang limang taong gulang. Ayon sa Human Development Index (HDI) noong 2013, ang bansa ay may mababang antas ng kaunlarang pantao, pumang-186 sa 187 mga bansa.

Eleksiyon sa Sardinia

Ang pahinang ito ay kumukuha ng mga resulta ng mga eleksiyon sa Sardinia.

Futbol

Huwag itong ikalito sa Amerikanong putbol, putbol na rugby, at sipaang bola.

Para sa ibang gamit, tingnan ang Sipa (paglilinaw).Ang futbol ay isang uri ng sipaang bola o isports na nilalaro ng dalawang koponan, na may 11 manlalaro gamit ang isang bilog na bola. Ito ay nilaro na mahigit 250 milyong manlalaro sa 200 bansa, kung kaya't ito ang pinakakilalang laro sa buong daigdig. Ang laro ay tinatanghal sa isang hugis-parihabang batawan na may gol sa bawat dulo nito. Ang layunin ng laro ay maka-puntos gamit ang lahat ng parte ng katawan maliban sa kamay at braso, upang mapunta ang bola sa tunghuhin ng kalaban.

Bawat koponan ay binubuo ng 11 manlalaro. Isa sa kanila ang nagsisilbing goalkeeper o bantay sa pithaya o tunguhin (goal sa Ingles). Siya lamang ang maaaring humawak sa bola kung nasa loob lamang ng kanilang penalty area. Magsisilbi namang outfield player o outfielder ang sampu. Ginagamit nila ang kanilang mga paa upang galawin at ipasa ang bola. Maaari rin nilang gamitin ang ulo at katawan upang makakuha ng isang goal. Ang koponan na may pinakamaraming goal pagkatapos ng laro ay tatanghaling panalo. Kung sakaling magkapareho ng lamang ang dalawang koponan pagkatapos ng laro, maaaring tabla o magkakaroon ng labis na oras (o extra time sa Ingles) at/o isang penalty shootout batay sa mga panuntunan ng paligsahan. Ang Laws of the Game ay orihinal na sistema sa Inglatera ng The Football Association noong 1863. Ang futbol ay pandaigdigang nasasaklaw ng Fédération Internationale de Football Association o "FIFA" na nagpasimula ng FIFA World Cup na ginaganap tuwing apat na taon.

Ang Futbol ay tumutukoy ng madaming uri ng laro, tulad ng pagsipa ng bola upang makapunto. Ang salitang putbol ay sumasangguni sa kahit anong uri ng putbol ang sikat sa kontekstong rehiyon: association football (kilala din bilang soccer) sa Britanya; gridiron football (kilala bilang American football o Canadian football) sa United Stated at Canada; Australian rules football o rugby league sa iba’t ibang lugar sa Australia; Gaelic football ng Ireland; at rugby football ng New Zealand. Ang iba’t ibang putbol na ito ay kilala bilang football codes.

Hulyo 15

Ang Hulyo 15 ay ang ika-196 na araw ng taon (ika-197 kung leap year) sa Kalendaryong Gregorian, at mayroon pang 169 na araw ang natitira.

Hulyo 3

Ang Hulyo 3 ay ang ika-184 na araw ng taon (ika-185 kung leap year) sa Kalendaryong Gregorian, at mayroon pang 181 na araw ang natitira.

Indonesia

Ang Indonesia (pagbigkas: in•do•nis•ya), opisyal na pangalan Republika ng Indonesia (Indones: Republik Indonesia), ay isang bansa sa Timog-silangang Asya. Ito ay binubuo ng 17,508 mga pulo, at ito ang pinakamalaking estado sa buong daigdig na binubuo ng isang kapuluan. Tinatantiya na nasa 238 milyong katao ang populasyon ng Indonesia, na pang-apat sa mga pinakamataong bansa sa mundo, at ang pinakamataong bansang Muslim; subalit walang opisyal na pananampalataya ang itinakda sa Saligang Batas ng Indonesia. Isang republika ang Indonesia, na may inihahalal na tagapagbatas (lehislatura) at pangulo. Ang kabisera ng bansa ay Jakarta. Pinapaligiran ang Indonesia ng Papua New Guinea, East Timor at Malaysia, at kinabibilangan rin ang Singapore, Pilipinas, Australya, at ang Kapuluang Andaman at Nicobar ng Indiya bilang mga kalapit na bansa at teritoryo.

Ang kapuluan ng Indonesia ay naging isang mahalagang rehiyong pangkalakalan simula pa noong ika-7 siglo, kung kailan ang Srivijaya at paglaon Majapahit ay nangangalakal sa Tsina at Indiya. Ang mga katutubong mga pinuno ay lumaong niyakap ang kulturang Indiyano, relihiyon at modelong pampulitika mula sa mga sinaunang siglo, at lumaganap ang Hinduismo at Budismo sa kapuluan. Naimpluwensiyahan rin ang kasaysayan ng Indonesia ng mga makapangyarihang banyaga dahil sa likas yaman nito. Dinala ng mga mangangalakal na Muslim ang Islam, na ngayon ay naging dominante sa kapuluan, habang ang mga makapangyarihang Europeo ang nagdala ng Kristiyanismo at nakipaglaban para monopolisahin ang kalakalan sa Kapuluang Maluku (Moluccas) noong Panahon ng Pagtuklas. Ito ay sinundan ng tatlo't kalahating siglo ng kolonyalismo sa ilalim ng mga Olandes. Natamasa ng Indonesia ang kanilang kasarinlan pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Ang kasaysayan ng Indonesia noon pa man ay magulo, at sinubok ng maraming kalamidad, suliranin, banta ng separatismo, at ng panahon ng mabilisang pagbabago at paglago ng ekonomiya.

May magkakaibang mga pangkat na etniko, wika at diyalekto, at pananampalataya ang mga iba't-ibang pulo at kapuluan ng Indonesia, ngunit ang Habanes ang pinakamalaki – at pinakadominanteng – pangkat etniko. Bilang isang bansang unitaryo, bumuo ang Indonesia ng isang pagkakakilanlan gamit ang isang pambansang wika, dibersidad ng mga pangkat etniko, pagpapakilala sa mga ibang relihiyon kahit kung nakararami ang mga Muslim, at isang kasaysayan ng kolonyalismo at rebelyon laban dito. Ang pambansang kasabihan ng Indonesia, ang "Bhinneka tunggal ika" ("Pagkakakaisa sa Pagkakaiba", na literal na "marami, subalit isa"), na nagsasabi na ang pagkakaiba ang bumuo sa bansa. Subalit ang mga tensiyon sektarya at separatismo ay nagdulot ng marahas na paghaharap na gumimbal sa katatagan ng politika at ekonomiya. Sa kabila ng laki ng populasyon at dami ng tao sa rehiyon, malaki ang teritoryo ng Indonesia: kilala ang bansa bilang pangalawa sa mga bansang may pinakamataas na saribuhay sapagkat kay lawak ng mga parang nito. Biniyayaan ang bansa ng likas na yaman, subalit nilalarawan din ng kahirapan ang Indonesia sa kasalukuyan.

Level E

Ang Level E (レベルE) ay isang seryeng mangang science fiction ni Yoshihiro Togashi. Ito ay orihinal na inilathala ng Weekly Shōnen Jump mula noong 1995 hanggang 1997.Kasama ang mga maiikling mga istorya, nakatuon ang istorya sa pangkalangitan na iba sa kanyang seryeng shōnen na YuYu Hakusho at Hunter × Hunter.

Ang Level E ay nailathala sa labing-anim na kabanata na kinolekta sa tatlong bolyum (tankōbon) na magkakasama. Unang inilabas ito noong 4 Marso 1996, Ang ikalawa noong 3 Oktubre 1996, at ang huli noong 1 Mayo 1997. Ang Level E ay inilabas muli bilang bahagi ng seryeng Shueisha Jump Remix. Inilabas ang dalawang bolyum noong 2009. Isang adapsiyong anime ang inanunsiyon para sa Level E na binubuo ng 12-13 episodyo na ipapalabas sa 2011 at ilalabas ni Studio Pierrot at David Production.

Liberia

Tungkol sa bansa sa Aprika ang artikulong ito; para sa bayan sa Costa Rica, tingnan ang Liberia, Costa Rica

Ang Republika ng Liberia ay isang bansa sa kanlurang pampang ng Aprika, napapalibutan ng Sierra Leone, Guinea, at Côte d'Ivoire. Nagkaroon kamakailan lamang ng dalawang digmaang sibil (1989–1996 at 1999–2003) na napatinag sa daang libong mga mamamayan nito at pinabagsak ang ekonomiya nito.

Manga na josei

Ang manga na josei (女性漫画, literal: komiks ng babae, binibigkas na [dʑoseː]) ay komiks sa bansang Hapon na tinatarget sa mas matandang tinedyer na mga babae at babaeng adulto na nakakabasa ng kanji na walang tulong ng furigana. Hindi dapat ikalito ang manga na josei, na kadalsang erotika ang nialalaman, sa "manga na shōjo" (少女漫画) na para sa mas batang tinedyer na mga babae o "komiks ng dalaga" (レディースコミックス, redīsu komikkusu) o "LadyComi" (レディコミ, redikomi). Maaring pumatak ang mga mambabasa ng manga na josei sa mga gulang mula 18 hanggang 45. Isang salitang Hapon ang "Josei" para sa "kababaihan".

Palarong Olimpiko sa Tag-init 1996

Naka-redirect ang "Atlanta 1996" dito. Para sa the Summer Paralympics, tingnan ang 1996 Summer Paralympics.Padron:1996 Summer Olympics

Ang Palarong Olimpiko sa Tag-init 1996 ay kinilala nang opisyal bilang Palaro ng Ika-XXVI na Olimpiyada at nang di-opisyal bilang Olimpikong Sentenyal, ay isang sabansaang kaganapang pampalakasang pangmaramihan na ipinagdiriwang noong 1996 sa Atlanta, Georgia, Estados Unidos ng Amerika.

Panahong PBA 1996

Ang Panahong PBA 1996 ay ang ika-dalawampu't dalawang panahon ng Philippine Basketball Association.

Rhipidistia

Ang mga Rhipidistia ay mga isdang may lobong palikpik na mga ninuno ng mga tetrapoda. Tradisyonal na itinuturing ng mga taksonomista ang rhipidistia bilang isang subgrupo ng mga Crossopterygii na naglalarawan sa isang grupo ng mga isda na nabuhay sa panahong Deboniyano na binubuo ng mga Porolepiformes at Osteolepiformes. Gayunpaman, habang ang isang kladistikong pagkaunawa ng mga bertebrata ay napabuti sa loob ng huling ilang mga dekada, ang isang monopiletikong Rhipidistia ay nauunawaaan ngayon bilang ninuno ng buong tetrapoda at mga kasalukuyang umiiral na mga isdangbaga.

Sagay, Negros Occidental

Para sa munisipalidad sa Camiguin, tingnan ang Sagay, Camiguin.

Para sa ibang gamit, tingnan ang Sagay (paglilinaw).

Ang Sagay (pagbigkas: sá•gay) ay isang ikalawang klaseng lungsod sa lalawigan ng Negros Occidental, Pilipinas. Dati itong tinatawag na Arguelles noong itatag ito nina Teniente Francisco Rodriguez at Basilio Cordova sa may bibig ng Ilog Bulanon noong 1860. Nang lumaon, inilipat ng mga opisyal na Kastila ang bayan sa pook na kilala ngayon bilang Matandang Sagay, na dati namang tinatawag na Pueblo de Magallanes o Bayan ni Magallanes.

Noong 1906, opisyal na naging Sagay ang pangalan ng bayan. Nanggaling ang pangalan ito mula sa semi-esperikong (bilugin) kabibeng "sigay". Pagkaraan ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, nilipat ang luklukan ng pamahalaan sa kasalukuyang kinaroroonan ng bayan, ang Dalusan, dahil sa kadalian ng pagpunta sa transportasyong pang-lupa. Noong Hunyo 11, 1996, ipinasa ang Batas Republika Bilang 8192 kaya't naging ganap na lungsod ang Sagay.

Ayon sa senso ng 2000, mayroon itong populasyon na 129,765 katao sa 25,301 kabahayan.

Si Alfredo Marañon Jr. ang nahalal na alkalde noong 2007, at si Leo Rafael Cueva ang naging pangalawang alkalde.

Setyembre 30

Ang Setyembre 30 ay ang ika-273 na araw sa Kalendaryong Gregorian (ika-273 kung leap year) na may natitira pang 92 na araw.

Talaan ng mga bagay sa Sistemang Pang-araw batay sa laki

Ito ang kumpletong talaan ng mga bagay sa Sistemang Pang-araw batay sa laki ng mga ito.

Talaan ng mga pangulo ng Sicily

Ito ay ang talaan ng mga Pangulo ng Sicily simula noong 1947.

Sa ibang wika

This page is based on a Wikipedia article written by authors (here).
Text is available under the CC BY-SA 3.0 license; additional terms may apply.
Images, videos and audio are available under their respective licenses.