1916

Ang 1916 ay isang bisiyestong taon na nagsisimula sa Sabado sa kalendaryong Gregorian.

Dantaon: ika-19 na dantaon - ika-20 dantaon - ika-21 dantaon
Dekada: Dekada 1880  Dekada 1890  Dekada 1900  - Dekada 1910 -  Dekada 1920  Dekada 1930  Dekada 1940
Taon: 1913 1914 1915 - 1916 - 1917 1918 1919

Kamatayan


Taon Ang lathalaing ito na tungkol sa Taon ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.

Agosto 28

Ang Agosto 28 ay ang ika-240 na araw sa Kalendaryong Gregorian (ika-241 kung leap year) na may natitira pang 125 na araw.

Batas Jones (1916)

Ang Batas Jones o ang Philippine AutonomyAct ay ang batas na nagbibigay sa mga Pilipino ng kalayaang magsarili at pangako ng pagkakaloob ng kasarinlan sa Pilipinas sa lalong madaling panahon kapag nagkaroon na ang bayan ng isang matatag na pamahalaan. Ito ang pinakamahalaga at pinakamataas na batas ng Pilipinas simula nang 1916 hanggang 1935 nang pagtibayin ang Saligang Batas ng Pilipinas. Ang Philippine Autonomy Act of 1916 na lalong kilala sa tawag na Batas Jones ay pinanukala ni Kinatawan William Atkinson Jones ng Virginia, U.S.A. at nasabatas noong ika-29 ng Agosto, 1916.Ayon sa preamble ng Batas Jones,babawiin ng USA ang soberanya nito sa Pilipinas at kilalanin ang kalayaan ng mga Pilipino makaraang magkaroon ang Pilipinas ang isang matatag na pamahalaan.

Isa pang mahalagang probisyon ng Batas Jones ang pagtatag ng lehislatura na may dalawang kapulungan,ang Senado at ang kapulungan ng mga Kinatawan.Ang senado ay bubioinng 24 na kasaping inihal at 80 naman sa Kapulungan ng Kinatawan.May dalawang senador naman ang itinalaga ng gobernador-heneral upang magsilbing kinatawan ng mga Pilipinong hindi kristiyano.Bagama't Batas Jones ang unang batas na nagbigay ng pangakong kalayaan sa mga Pilipino,hindi tinukoy kung kailan ipinagkakaloob ang pangakong kalayaan.

Distritong pambatas ng Albay

Ang "Distritong Pambatas ng Lalawigan ng Albay"', Una, Pangalawa at Pangatlo ang kinatawan ng lalawigan ng Albay sa mababang kapulungan ng Pilipinas. Ang lalawigan ng Albay ay nahahati sa tatlong distritong pambatas mula 1907 hanggang 1931, apat noong 1931 hanggang 1946. Nabalik sa tatlong distritong pambatas matapos magkaroon nang sariling distritong pambatas ang lalawigan ng Catanduanes noong 1946. Bahagi ito ng kinakatawan ng Ikalimang rehiyon mula 1978 hanggang 1984, at noong 1984 hanggang 1986 nakapaghalal ito ng tatlong assemblymen at-large.

Distritong pambatas ng Apayao

Ang solong Distriton Pambatas ng Lalawigan ng Apayao ang kinatawan ng lalawigan ng Apayao sa mababang kapulungan ng Pilipinas.Ito ay dating bahagi ng distritong pambatas ng Mountain Province mula 1916 hanggang 1969 at ng ikalawang rehiyon mula 1978 hanggang 1984 at ng distritong pambatas ng Kalinga-Apayao mula 1969 hanggang 1972 at 1987 hanggang 1995.

Distritong pambatas ng Basilan

Ang solong Distritong Pambatas ng Lalawigan ng Basilan ang kinatawan ng lalawigan ng Basilan sa mababang kapulungan ng Pilipinas. Ang lalawigan ng Basilan ay dating bahagi ng kinakatawanan ng distritong pambatas ng Mindanao at Sulu mula 1916 hanggang 1935, ng lalawigan ng Zamboanga mula 1935 hanggang 1953, lalawigan ng distritong pambatas Zamboanga del Sur mula 1953 hanggang 1972 at ikasiyam ng rehiyon mula 1978 hanggang 1984.

Distritong pambatas ng Bohol

Ang mga Distritong Pambatas ng Lalawigan ng Bohol, Una, Pangalawa at Pangatlo ang mga kinatawan ng lalawigan ng Bohol sa mababang kapulungan ng Pilipinas. Ang lalawigan ng Bohol ay nahahati sa tatlong Distritong Pambatas simula pa noong taong 1907. Bahagi ito ng kinakatawan ng ikapitong rehiyon mula 1978 hanggang 1984 at mula 1984 hanggang 1986 nakapaghalal ito ng 3 assemblymen elected at-large.

Distritong pambatas ng Capiz

Ang Distritong Pambatas ng Lalawigan ng Capiz, Una at Pangalawang distrito ang kinatawan ng lalawigan ng Capiz sa mababang kapulungan ng Pilipinas. Ang lalawigan ng Capiz ay dating nahahati sa tatlong distritong pambatas hanggang 1957 nang ang Aklan ay mabigyan ng sariling kinatawan kaya naging dalawa na lang ang distritong pambatas ng Capiz. Naging bahagi ito ng kinakatawan ng Region VI mula 1978 hanggang 1984, at noong 1984 hanggang 1986 nakapaghalal ito ng dalawang assemblymen at-large.

Distritong pambatas ng Cebu

Ang mga Distritong Pambatas ng Lalawigan ng Cebu, Una, Pangalawa, Pangatlo, Ikaapat, Ikalima, at Pang-anim na distrito ang mga kinatawan ng lalawigan ng Cebu sa at nang mga independyenteng lungsod ng Dagupan at Lapu-Lapu sa mababang kapulungan ng Pilipinas.

Mula 1907 hanggang 1972 ang ito ay nahahati sa pitong distritong pambatas at ang distritong pambatas ng Lungsod ng Cebu ay kasama sa kinakatawan. Noong Ika-15 ng Oktubre taong 1986 naging anim na distritong pambatas na lang ito. Bahagi ito ng Ikapitong Rehiyon mula 1978 hanggang 1984 at mula 1978 hanggang 1984 at mula 1984 hanggang 1986 nakapaghalal ito ng 6 na assemblymen at-large.

Distritong pambatas ng Ifugao

Ang solong Distritong Pambatas ng Lalawigan ng Ifugao ang kinatawan ng lalawigan ng Ifugao sa mababang kapulungan ng Pilipinas. Mula 1916 hanggang 1969 ay bahagi ito ng representasyon ng lalawigan ng Mountain Province at ng ikalawang rehiyon mula taong 1978 hanggang 1984

Distritong pambatas ng Ilocos Sur

Ang Distritong Pambatas ng Lalawigan ng Ilocos Sur, una at pangalawang distrito ang kinatawan ng lalawigan ng Ilocos Sur sa mababang kapulungan ng Pilipinas. Ang lalawigan ng Ilocos Sur ay dating nahahati sa tatlong distritong pambatas mula 1907 hanggang 1919. Ito ay nang maging ganap nang isang Lalawigan ang Abra mula sa Ilocos Sur. Bahagi ito ng kinakatawan ng Unang Rehiyon mula 1978 hanggang 1984, at mula 1984 hanggang 1986 nakapaghalal ito ng dalawang assemblymen at-large.

Distritong pambatas ng Iloilo

Ang mga Distritong Pambatas ng Lalawigan ng Iloilo, Una, Pangalawa, Pangatlo, Ikaapat at Ikalima ang mga kinatawan ng lalawigan ng Iloilo sa mababang kapulungan ng Pilipinas. Ang lalawigan ng Iloilo ay nahahati sa limang distritong pambatas mula 1907. Bahagi ito ng Ikaanim na Rehiyon mula 1978 hanggang 1984 at mula 1984 hanggang 1986 nakapaghalal ito ng 5 na assemblymen at-large. Ang distritong pambatas ng lungsod ng Antipolo at distritong pambatas ng Guimaras ay bahagi ng representasyon hanggang 1986 at 1995 ayon sa pagkakasunod.

Distritong pambatas ng Kalinga

Ang solong Distritong Pambatas ng Lalawigan ng Kalinga ang kinatawan ng lalawigan ng Kalinga sa mababang kapulungan ng Pilipinas. Mula 1916 hanggang 1969 ay bahagi ito ng representasyon ng lalawigan ng Mountain Province, ng ikalawang rehiyon mula taong 1978 hanggang 1984 at ng distritong pambatas ng Kalinga-Apayao mula 1969 hanggang 1972 at mula 1987 hanggang 1995.

Distritong pambatas ng Mountain Province

Ang Solong Distritong Pambatas ng Lalawigang Bulubundukin, ay ang kinatawan ng Lalawigang Bulubundukin sa mababang kapulungan ng Pilipinas. Mula 1916 hanggang 1969, ang ngayo'y mga lalawigan ng Apayao. Benguet, Ifugao, kalinga, Lalawigang Bulubundukin, at Lungsod ng Baguio ang bumubuo sa representasyon at ang Lalawigang Bulubundukin ay nahahati sa tatlong distritong pambatas. Ito ay ginawang isang distritong pambatas na lamang noong 1969. Ang ngayo'y Lalawigang Bulubundukin ay bahagi ng Unang Rehiyon mula 1978 hanggang 1984.

Distritong pambatas ng Pampanga

Ang Distritong Pambatas ng Lalawigan ng Pampanga, Una, Pangalawa, Pangatlo, at Ikaapat na distrito ang mga kinatawan ng lalawigan ng Pampanga sa at nang independenteng lungsod ng Angeles sa mababang kapulungan ng Pilipinas. Ang lalawigan ng Pampanga ay nahahati sa dalawang distritong pambatas hanggang 1972. Bahagi ito ng Ikatlong Rehiyon mula 1978 hanggang 1984 at mula 1984 hanggang 1986 nakapaghalal ito ng 4 na assemblymen at-large. Muli itong nahati sa apat na distritong pambatas noong 1986.

Distritong pambatas ng Pangasinan

Ang Distritong Pambatas ng Lalawigan ng Pangasinan, Una, Pangalawa, Pangatlo, Ikaapat, Ikalima, at Pang-anim na distrito ang mga kinatawan ng lalawigan ng Pangasinan sa at nang independenteng lungsod ng Dagupan sa mababang kapulungan ng Pilipinas. Ang lalawigan ng Pangasinan ay nahahati sa limang distritong pambatas mula 1907 hanggang 1972 muli itong nahati sa anim na distritong pambatas noong 1986. Bahagi ito ng Unang Rehiyon mula 1978 hanggang 1984 at mula 1984 hanggang 1986 nakapaghalal ito ng 6 na assemblymen at-large.

Distritong pambatas ng Samar

Ang Distritong Pambatas ng Lalawigan ng Samar, Una at Pangalawa ang mga kinatawan ng lalawigan ng Samar sa mababang kapulungan ng Pilipinas. Ang lalawigan ng Samar ay nahahati sa tatlong distritong pambatas mula 1907 hanggang 1965 nang maging isang solong distritong pambatas na lang ito bunga nang pagkagawa ng Silangang Samar at Kanlurang Samar bilang magkahiwalay na lalawigan. Naging bahagi ito ng Ikawalong Rehiyon mula 1978 hanggang 1984 at mula 1984 hanggang 1986 nakapaghalal ito ng 2 na assemblymen at-large. Muli itong nahati sa dalawang distritong pambatas noong taong 1986

Max Wolf

Si Maximilian Franz Joseph Cornelius Wolf (21 Hunyo 1863 – 3 Oktubre 1932) ay isang Alemang astronomo.

Palarong Olimpiko sa Tag-init 1916

Ang Palarong Olimpiko sa Tag-init 1914 ay inasahang gawin sa Berlin, Alemanya pero dahil sa kaganapan ng Unang Digmaang Pandaigdig ay kinansela ito at pinasa sa Antwerp, Belhika para iparangal ang mga taong na matay sa digmaan.

Sa ibang wika

This page is based on a Wikipedia article written by authors (here).
Text is available under the CC BY-SA 3.0 license; additional terms may apply.
Images, videos and audio are available under their respective licenses.