1771

Ang 1771 ay isang taon sa kalendaryong Gregorian.

Dantaon: ika-17 dantaon - ika-18 dantaon - ika-19 na dantaon
Dekada: Dekada 1740  Dekada 1750  Dekada 1760  - Dekada 1770 -  Dekada 1780  Dekada 1790  Dekada 1800
Taon: 1768 1769 1770 - 1771 - 1772 1773 1774

Kamatayan


Taon Ang lathalaing ito na tungkol sa Taon ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.

1768

Ang 1768 ay isang taon sa kalendaryong Gregorian.

1769

Ang 1769 ay isang taon sa kalendaryong Gregorian.

1770

Ang 1770 ay isang taon sa kalendaryong Gregorian.

1771 Makover

Ang 1771 Makover ay isang planetang hindi pangunahin.

1773

Ang 1773 ay isang taon sa kalendaryong Gregorian.

1774

Ang 1774 ay isang taon sa kalendaryong Gregorian.

Australia

Ang Komonwelt ng Australia (Kastila: Aus·tra·lia; Ingles: Aus·tra·lia /əˈstreɪljə,_ɒʔ,_ʔiə/,) ay ang ikaanim na pinakamalaking bansa sa mundo, ang kaisa-isang bansa na sumasakop sa isang kontinente, at ang pinakamalaki sa rehiyon ng Australasia/Oceania. Kabilang din sa teritoryo nito ang ilang mga pulo, ang pinakamalaki rito ay ang Tasmania, na nagsisilbing isang estado ng Australia. Ang Australia ay isang pederasyon at pinamamahalaan bilang parlamentaryong monarkiyang konstitusyonal (constitutional monarchy). Kasama sa mga karatig-bansa ng Australia ay ang Indonesia, Silangang Timor, at Papua New Guinea sa hilaga, ang Kapuluang Pasipiko sa hilagang-kanluran, ang Kapuluang Solomon at Vanuatu sa hilagang-silangan, at ang New Zealand sa timog-silangan.

Sa loob ng di-bababa sa 40,000 taon bago ang unang pananahan ng mga Ingles sa huling bahagi ng ika-18 siglo, ang Australia ay pinaninirahan ng mga katutubong Australian, na nagsasalita ng mga wikang nakapangkat sa humigit-kumulang 250 grupo ng mga lengguwahe. Matapos matuklasan ng mga Europeo ang kontinente sa pamamagitan ng mga manlalayag na Olandes noong 1606, ang silangang bahagi ng Australia ay inangkin ng Gran Britanya noong 1770 at nang simula'y naging tapunan ng mga bilanggo sa kolonya ng New South Wales mula 26 Enero 1788. Lumaki ang populasyon nang sumunod na mga dekada; ang kontinente ay ginalugad at naitatag ang karagdagang limang nagsasariling Crown Colonies.

Noong 1 Enero 1901, naging isang pederasyon ang anim na kolonya, na ngayo'y tinatawag na Komonwelt ng Australya. Mula noong Pederasyon, napanatili ng Australya ang isang matatag na sistemang pulitikal na demokratikong liberal, na kumikilos bilang isang demokrasyang parlamentaryong pederal at monarkiyang konstitusyonal, na binubuo ng anim na estado at ilang mga teritoryo. Ang populasyon na 23.6 na milyon ay higit na urbanisado at nakatuon sa mga silangang estado at sa baybayin.

Ang Australia ay isang maunlad na bansa at isa sa mga pinakamayaman sa mundo, dahil sa ekonomiya nitong ika-12 sa pinakamalaki. Noong 2012 ang Australia ang may ikalimang pinakamataas na kita bawat tao sa buong mundo, at ang gastos-militar ng Australia ang ika-13 pinamakamalaki sa mundo. Dahil taglay nito ang ikalawang pinakamataas na pandaigdigang indise ng kaunlaran ng tao (human development index), mataas ang nagiging ranggo ng Australia sa mga pandaigdigang paghahambing ng pambansang paggawa (national performance), katulad ng kalidad ng buhay, kalusugan, edukasyon, kalayaang pang-ekonomiya, at proteksiyon ng mga kalayaang sibil at mga karapatang pulitikal. Ang Australia ay kasapi ng Mga Nagkakaisang Bansa, G20, Komonwelt ng mga Bansa, ANZUS, Organisasyon para sa Pagtutulungang Ekonomiko at Pag-unlad (Organisation for Economic Co-operation and Development o OECD), Kapisanan ng Pandaigdigang Kalakalan (World Trade Organization o WTO), Kooperasyong Ekonomiko sa Asya-Pasipiko (Asia-Pacific Economic Cooperation o APEC), at ng Pacific Islands Forum.

Emperador Go-Momozono

Si Hidehito (英仁) ang ika-118 na Emperador ng Hapon na umupo sa Trono ng Krisantemo. Dahil sa pagiging sakitin maaga siyang namatay dahil umabot lang ang kanyang buhay ng 22 taon. Ipinanganak siya noong ika-5 ng Agosto ng taong 1758 at namatay noong ika-16 ng Disyembre ng taong 1779.

Labing tatlong taong gulang lang siya noon nang umupo siya bilang Emperador noong ika-23 ng Mayo ng taong 1771. Walong taon lang siya nagtagal sa trono. Pinalitan siya sa trono ng kanyang pamangkin na si Tomohito o kilala bilang Emperador Koukaku.

Noong siya’y namatay tinawag siyang Emperador Go-Momozono. Ang Go-Momozono ay ang kanyang nengo o pangalan ng panahon ng panunungkulan sa trono. Ito ay halaw sa kanyang amang si Toohito na tinawag na Emperador Momozono. Ang ibig sabihin ng panimulang Go sa Go-Momozono sa nengo ni Hidehito ay “Panghuli o Pangalawa” kung kaya’t ang Go-Momozono ay maaring isalin bilang Ang Panghuling Momozono o ang Ikalawang Momozono. Pwede ding Momozono II.

Si Hidehito ang unang anak ni Toohito o mas kilala bilang Emperador Momozono. Ang kanyang ina ay si Emperatris Tomiko Ichijou. Naging asawa niya si Emperatris Koreko Konoe. Walang anak na lalaki si Go-Momozono, kaya’t wala siyang pag-iiwanan ng kanyang korona.

Noong siya’y mamamatay na, inampon niya ang kanyang pamangking si Tomohito. Pero meron siyang isang anak, si Prinsesa Yoshiko na naging asawa ni Tomohito noong ito’y maging Emperador. Si Emperatris Yoshiko ay kinilala din bilang Shin-Seiwa-in ng kanyang mga kinasasakupan.

Ang mga nengo sa panahon ni Gomomozono ay

Meiwa (1764-1772)

An'ei (1772-1781)

Emperador Kōkaku

Si Tomohito (兼仁) ang ika-119 na Emperador ng Hapon na umupo sa Trono ng Krisantemo. Siya ay nabuhay noong ika-23 ng Septyembre, 1771 at namatay noong ika-11 ng Disyembre 1840. Ang kanyang imina o personal na pangalan ay Morohito pero pinalitan niya ito ng Tomohito. Bago siya maluklok sa Trono kinilala siya bilang Prinsipe Sachi (Sachi no miya) at noong namatay siya ay tinatawag na Emperador Koukaku (Kōkaku).

Umupo siya sa Trono ng Krisantemo noong siya’y siyam na taong gulang pa lamang noong 1780 at bumaba siya sa trono pagkaraan ng 37 pitong taon noong 1817.

Ang ina ni Tomohito ay si Iwashiro Ōe at ang kanyang ama ay si Prinsipe Sukehito na galing sa linyang Kan’in-no-miya, ang isa sa mga apat na linya (pamilya) na kung saan nanggagaling ang mga Emperador ng Hapon. Karaniwang tinatawag itong Sanga o Bahay gaya ng Bahay ng Kan’in. Ang tatlo pang sanga o bahay ay ang Fushimi-no-miya, Katsura-no-miya, at Arisugawa-no-miya.

Noong bata pa si Tomohito, marami ang nag-akala na magiging isang pari ito sa Templo ng Shugoin dahil isa lamang siyang anak sa isang pinakabagong linya sa sangay ngpamilya ng Imperyo, ang Bahay ng Kan’in. Pero dahil walang supling si Emperador Go-Momozono at naghihingalo na ito, kaagad na inampon si Tomohito at ginawang tagapagmana ng trono kahit na hindi siya isang Prinsipe ng Imperyo (shinnou).

Kung susuriing maigi, ang presenteng Emperador ngayon sa Japan na si Akihito ay dito nanggaling kay Tomohito sa Bahay ng Kan’in (Kan’in-no-miya). Si Tomohito kung gayon ang nagpasimula ng linya ng mga Emperador na ngayon ay nakauupo at patuloy pang uupo sa Trono ng Krisantemo sa mga darating na panahon.

Si Tomohito ay isang palaaral at maraming talentong tao. Binuhay niya muli ang mga kapistahan sa Dambana ng Iwashimizu at Dambana ng Kamono. Pinaghirapan din niyang buhayin muli ang mga seremonya at mga nakaugalian sa Korte ng Imperyo. Binigyan ng Bakufu o iyong pamahalaan ng Sugun (Shogun) na may tunay na hawak ng kapangyarihan ng gubyerno, ang kanyang ama ng titulong Retiradong Emperador (Daijou Tennou).

Habang nasa trono si Tomohito, pinilit niyang ibalik ulit ang kapangyarihan sa kanyang Korte sa pagmumungkahi ng tulong sa Bakufu sa kalagitnaan ng Matinding Taggutom sa Panahon ng Tenmei (1782-1788) at sa pagtanggap nito ng mga impormasyon galing sa pag-uusap sa pagitan ng Rusya at Japan hinggil sa suliranin sa hilagang bahagi ng bansa.

Lalong nagpalala sa Taggutom sa Panahon ng Tenmei ang pagsabok noong taong 1783 ng Bundok Asama sa lumang lalawigan ng Shinano. Ang Bundok Asama sa ngayon ay nasa pagitan ng mga Prepekturang Gunma at Nagano.

Noong 1788 ay nagkaroon ng malaking sunog sa Miyako (kapitolyo ng Emperador) na umabot sa apat na araw na kung saan naabo ang Palasyo ng Imperyo.

Noong taong 1817, ipinaubaya ni Tomohito ang Trono ng Krisantemo sa kanyang anak na si Ayahito o mas kilala bilang Emperador Ninko. Sa loob ng dalawang daangtaon karaniwang ang mga Emperador na umuupo sa trono ay bata pang namamatay o di naman kaya ay nagpapaubaya na lang sa kanilang mga anak. Pero si Tomohito ang kauna-unahang monarko na umabot ang edad sa 40 na nakaupo pa sa trono. Huli itong nangyari sa panahon ni Emperador Oogimachi noong taong 1586.

Ang opisyal na asawa Tomohito si Emperatris Yoshiko, anak ng kanyaing tiyo at amaing si Emperador Go-Momozono. Naging mga opisyal niyang kalaguyo sina Yoriko Hamuro, Tadako Kajuuji, Masako Takano, Satoko Anekouji, Kazuko Higashibou, Teruko Tomikouji.

Nagkaroon ng 17 anak si Tomohito sa mga babaeng ito. Pang-apat niyang anak si Ayahito na naging Emperador Ninko kay Tadako Kajuuji.

Noong nabubuhay pa siya limang nengo (o pangalan ng panahon ng panunungkulan ng Emperador ) ang kanyang pinagdaanan at ito ay ang

An’ei (1772-1781)

Tenmei (1781-1789)

Kansei (1789-1801)

Kyouwa (1801-1804)

Bunka (1804-1818)Namatay si Tomohito noong ika-11 ng Disyembre ng taong 1840 at inilibing siya sa Nochi no Tsukinowa no Misasagi sa Kyoto.

Emperatris Go-Sakuramachi

Si Toshiko ay isang babae at ang ika-117 na Emperador ng Hapon. Kung bakit siya tinawag na Emperador bagaman siya ay babae ay sa kadahilanang ang katagang Emperatris ay nangangahulugang asawa ng Emperador. Hindi siya asawa ng Emperador, kundi siya mismo ang Emperador at walang naitalang asawa niya.

Si Toshiko ang pinakahuling babae sa walo na umupo sa Trono ng Krisantemo ayon sa mahabang kasaysayan ng Trono. Siyam na taon siyang namalagi sa Trono simula noong taong 1762 hanggang taong 1771.

Ang nengo o panahon ng panunungkulan niya ay trono ay tinawag na Go-Sakuramachi. Sa kasaysayan ng Hapon, nakikilala ang emperador hindi sa kanilang personal na pangalan (imina) kundi sa kanilang nengo. Kaya’t noong namatay si Toshiko kinilala siya bilang Emperador (o Emperatris) Go-Sakuramachi.

Ang ibig sabihin ng Go sa kanyang Go-Sakuramachi ay "Panghuli o Pangalawa". Ang kanyang ama ay si Emperador Sakuramachi kaya siya ay ang Panghuling Sakuramachi o Ikalawang Sakuramachi. Maaari ding Sakuramachi II.

Ipinanganak si Toshiko noong ika-23 ng Setyember ng taong 1740 at namatay noong ika-24 ng Disyembre ng taong 1813. Bago siya malulok kinilala siya bilang Prinsesa Isa (Isa-no-miya) pero pinalitan niya ito ng Prinsesa Ake (Ake-no-miya).

Ikalawa siyang anak ni Teruhito o Emperador Sakuramachi. Ang kanyang ina ay si Ieko Nijou. Bata pang namatay ang kanyang ate, ang kanyang kapatid na si Toohito ay naging si Emperador Momozono.

Noong taong 1762, umupo siya sa Trono ng Krisantemo sa pamamagitan ng isang espesyal na kautusan ni Emperador Momozono, dahil ang kanyang anak na si Hidehito (Emperador Go-Momozono) ay limang taong gulang pa lamang.

Sa pag-upo niya sa Trono ng Krisantemo, she ang kauna-unahang namunong Emperatris sa loob ng 119 na taon mula ng maluklok si Emperador (Emperatris) Meishou.

Bagaman meron pang pitong naluklok na mga babaeng Emperador, ang mga sumunod sa kanila ay galing sa mga lalake ng dugong maharlika. Maraming mga konserbatibong iskolar na nagsasabi na ang panunungkulan ng mga babaeng Emperador ay panandalian lamang kung kaya’t lalake lamang dapat ang umupo sa trono ngayong ika-21 daangtaon. Pero isang sumira sa kaisipang ito ay si Ahe o Emperador (Emperatris) Gemmei na pinalitan ng kanyang anak na si Hidaka/Niinomi o Emperador (Emperatris) Genshou.

Noong ikasiyam na taon ng kanyang panunungkulan, taong 1770, ipinaubaya niya ang Trono ng Krisantemo kay Hidehito o Emperador Go-momozono.

Pero hindi nagtagal sa trono si Hidehito. Habang naghihingalo ito, ang Retiradong Emperador na si Go-Sakuramachi ay kinonsulta ang mga nakakatandang tagapayo at mga gwardiya ng Palasyo na ampunin si Prinsipe Fushimi-no-miya, pero ang napili ay si Prinsipe Morohito, ang ikaanim na anak ni Prinsipe Sukehito sa Bahay ng Kan’in (Kan’in-no-miya) ang isa sa apat ng sangay o Bahay na pinagmumulan ng mga maharlika na umuupo sa Trono. Marami ang sumang-ayon dito kung kaya’t agad na inampon ng naghihingalong si Go-Momozono si Prinsipe Morohito (pinalitan niya ang kanyang pangalan bilang Tomohito) na naging Si Emperador Koukaku.

Pagkatapos ng paglilipat ng sanga ng mga uupo sa Trono, si Toshiko ngayong isa ng Retiradong Emperador ang tinagurang Tagapangalaga sa Batang Panginoon (Si Morohito).

Namatay si Toshiko noong taong 1813 sa edad na 73. Siya ay inilibing sa sa Tsukinowa no Misasagi sa bahagi ng Higashiyama sa Prepektura ng Kyoto.

Iniwan niya ang isang aklat na may pamagat na Kinchū-nenjū no koto ("Mga Kaganapan ng Panahon sa Korte ng Imperyo "). Binubuo ito ng mga tula, mga liham ng imperyo, kasulatan at marami pang iba na masasabing may magaling uring pampanitikan.

Inhinyeriyang sibil

Ang inhinyera ay aspekto nang buhay mula pa noong unang umiral ang mga tao. Ang pinakamaagang pag-gamit ng inhinyeriyang sibil ay maaaring naganap sa gitna ng mga taong 4000 at 2000 BC sa Sinaunang Ehipto (Ancient Egypt) at Mesopotamia (sa ngayon ay kinikilalang Iraq) noong sinimulang iwanan ng mga tao ang kanilang malagalag na paraan nang pamumuhay, dito nagbunga ang pangangailangan ng pag-gawa ng mga silungan. Sa panahong ito, ang transportasyon ay mas nabigyan ng halaga at dahit dito nabuo ang ideya ng gulong at ang paglayag.

Sa ikalabing-walong siglo, ang terminong civil engineering (o sa Tagalog, inhinyeriyang sibil) ay inilikha upang masama-sama ang lahat ng aspetong pangsibilyan at makita ang pagkakaiba nito sa inhinyeriyang pangmilitar. Ang unang-unang nagpahayag sa sarili bilang isang inhinyerong sibil ay si John Smeaton, ang nagtayo ng Eddystone Lighthouse. Sa 1771, si Smeaton at ang ilan sa kanyang mga kasamang inhinyerong sibil ay bumuo ng Smeatonian Society of Civil Engineers, isang grupong binuo ng mga lider ng kanilang propesyon na nagkaroon ng mga impormal na mga pagkikita. Bagama’t may ebidensya na may mga teknikal na miting na naganap, mas kinikilala parin ito para sa pakikipagkapwang aspeto nito.

Ang inhinyeriyang sibil o inhinyeriyang pambayan ay isang disiplina ng inhinyeriyang prupesyunal na humaharap sa pagdidisenyo, pagbubuo, at pagpapanatili ng pisikal at likas na itinatatag na kapaligiran, kabilang ang mga pagawain katulad ng mga kalsada, mga tulay, mga kanal, mga prinsa, at mga gusali. Ang inhinyeriyang sibil ay ang pinaka matandang disiplina ng inhinyeriya pagkaraan ng inhinyeriyang pangmilitar, at binigyan ito ng kahulugan upang maipagkaiba ang inhinyeriyang hindi pangmilitar magmula sa inhinyeriyang pangmilitar. Nakaugalian itong hinahati-hati sa ilang mga kabahaging disiplina na kinabibilangan ng inhinyeriyang pangkapaligiran, inhinyeriyang geoteknikal, geopisika, geodesiya, inhinyeriyang pangkuntrol, inhinyeriyang estruktural, biyomekaniks, nanoteknolohiya, inhinyeriyang pangtransportasyon, agham na pangmundo, mga agham na pang-atmospera, inhinyeriyang porensiko, inhinyeriyang urbano (inhinyeriyang munisipal), inhinyeriyang hidroliko (inhiyeriya ng napagkukunan ng tubig) agham ng materyales (inhinyeriyang pangmateryales), pamamahala ng dalampasigan (inhinyeriyang kostal), pagsusurbey, at inhinyeriyang pangkonstruksiyon. Nagaganap ang inhinyeriyang sibil sa lahat ng mga antas: sa publikong sektor hanggang sa munisipal hanggang sa mga pamahalaang pambansa, at sa pribadong sektor mula sa mga indibiduwal na nagmamay-ari ng kabahayan hanggang sa mga kompanyang internasyunal.

Larsa

Ang Larsa (Wikang Sumeryo logogram: UD.UNUGKI, read Larsamki) ay isang mahalagang lungsod sa sinaunang Sumerya. Ito ay sentro ng kulto ng diyos araw na si Utus. Ito ay nasa mga 25 km timog silangan ng Uruk sa Dhi Qar Governorate ng Iraq, malapit sa silangang pampang ng kanal na Shatt-en-Nil sa lugar ng modernong tirahan na Tell as-Senkereh o Sankarah.

Manga

Huwag ikalito sa mangga, na may katulad na bigkas nito.

Para sa ibang gamit, tingnan ang Manga (paglilinaw).Ang Manga (Hapones: 漫画 マンガ— nakakatawang mga larawan, ay maaari ding tinatawag na komikku (Hapones: コミック)) ay salitang Hapon para sa komiks. Sa labas ng Hapon, ito ay ginagamit lamang para sa komiks na inilathala sa Hapon. Maaari ding pagkain

Ang Manga sa form na kung saan ito ay umiiral sa araw na ito ay nagsimula na bumuo ng matapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig, bagaman ang paglalathala ng mga nobelang may larawan tradisyon ay may malalim roots sa unang bahagi ng Japanese art .

Ang Manga at kinikilala bilang isang anyo ng sining , at bilang isang pampanitikan kababalaghan. Mayroong maraming mga gawa ng iba't-ibang mga genres at mga tema: adventure , pagmamahalan , laro , kasaysayan , pag-iisip , piksiyong agham , sindak , seks at iba dinisenyo para sa iba't-ibang mga grupo ng edad.

Mula noong taong 1950, manga ay naging isang malaking Japanese-publish industriya na may isang entrega ng 500 milyong dolyar . Siya ay naging popular sa buong mundo, [8] lalo na sa US , kung saan ang mga benta bilang ng 2006 taon ay sa 175 -200 000 000 dollars .Kadalasan siya ang may-akda at script, ngunit ito ang mangyayari na ang pagsulat ng script tumatagal ang mga indibidwal na. Nakasulat ito ng script na ito ay tinatawag na hensakusya (o, mas tiyak, manga hensakusya).

Halos lahat ng manga ay inilabas at ibinigay itim at puti. Maraming dahilan kung bakit - una, ang mga pamana ng mga tradisyonal na Japanese pagpipinta, pangalawa, ang makabuluhang binabawasan nito produksiyon, at sa ikatlo, sa pamamagitan ng madalas na isyu sa publikasyon Miura karaniwang gawain tulad na kulay ay lamang walang oras.

Sa karagdagan sa mga propesyonal na manga ay manga baguhan - dodzinsi issue maliit na sirkulasyon ng sponsors pera. Maraming mga propesyonal na kasalukuyang Miura nagsimula eksaktong bilang ng mga may-akda dodzinsi.

Sa pamamagitan ng popular na manga, madalas mahaba serials ay bawas anime . senaryo screening ay maaaring mag-iba malaki. Gayundin manga nilikha batay sa umiiral na anime o kahit neanimatsiynyh pelikula , para sa halimbawa sa "Star Wars" .Sa isang form o sa iba, manga at ang kanyang derivatives, umiiral sa ibang bansa, lalo na Taiwan , Timog Korea , Tsina , Estados Unidos , Pransiya , Rusya .

Marso 16

Ang Marso 16 ay ang ika-75 na araw sa Kalendaryong Gregorian (ika-76 kung leap year) na may natitira pang 290 na araw.

Mayo 4

Ang Mayo 4 ay ang ika-124 na araw sa Kalendaryong Gregoryano (ika-125 kung taong bisyesto), at mayroon pang 241 mga araw ang natitira.

New Zealand

Ang New Zealand o Bagong Silandiya (nagmula sa salitang Olandes na Nova Zeelandia) o Aotearoa (Māori para sa Lupain ng Mahabang Puting Ulap), ay isang bansa ng dalawang malalaking pulo na Hilagang Pulo (Ingles: North Island, Māori: Te Ika-a-Māui) at Timog Pulo (Ingles: South Island, Māori: Te Wai Pounamu) at maraming mas maliliit na mga pulo sa timog-kanlurang Karagatang Pasipiko. Sa mga bansa sa Timog Pasipiko, ang New Zealand ang may pinakamalaki at pinaka-industrialisadong ekonomiya at pumapangalawa lamang ang populasyon nito sa Papua New Guinea. Natatangi ang New Zealand sa kanyang pagkabukod, nakahiwalay sa Australya sa hilaga-kanluran sa pamamagitan ng Dagat Tasman, mga 2,000 km ang pagitan. Ang New Caledonia, Fiji at Tonga ang malalapit na mga kapitbahay. Binubuo ng karamihan sa populasyon sa Papua New Guinea ng mga taong nagmula sa Europa, kasama ang katutubong Māori na kabilang sa pinakamalaking minorya. Ang mga taong hindi Māori na Polynesian at Asyano ang mga mahahalagang minorya, lalo na sa mga lungsod.

Oksiheno

Ang oksiheno o oksihena (Kastila: oxigeno, Ingles: oxygen) ay isang elemento. Ang simbolo nito ay O at nagtataglay ng bilang atomiko na 8. Ang oksihena ay walang amoy, walang lasa, at hindi metaliko. Kailangan ito upang makalikha ng apoy at magkaroon ng reaksiyon sa mga metalikong elemento para lumikha nang mga pangunahing oxide.

Ginagamit ito sa welding, hinahalo ito sa acetylene upang makagawa ng napakainit na apoy. Ginagamit din ito sa mga space rockets, ito ay ginagawang gasolina upang matulungan itong lumipad nang mataas. Ang oksiheno rin ay mahalaga sa paggawa ng apoy. Kung wala ito, hindi makakagawa ng apoy. Ang importanteng pangkat-atomiko (molecule) ng Oksiheno ay ang Ozone, ito ay tumutulong sa pagpigil sa ultraviolet na sinag.

Ang isa sa mga unang na kilala ng mga eksperimento sa mga relasyon sa pagitan ng pagkasunog at air ay isinasagawa sa pamamagitan ng Philon ng Byzantium, Griyego manunulat ng ikalawang siglo BC, na kung saan ay nagkaroon ng isa sa kanyang mga mekanika interes. Sa kanyang Pneumatika, Philo sinusunod na inverting isang daluyan ng higit sa isang nasusunog kandila at paglalagay ng tubig sa paligid ng leeg ng daluyan ng sinundan na tubig ilang tumataas papunta sa leeg. Philo mali ipinapalagay na ang mga bahagi ng hangin ng mga lalagyan ay na-convert sa sunog klasikong elemento, at sa gayon ay magagawang upang makatakas sa pamamagitan ng pores ng salamin. Maraming siglo mamaya, Leonardo da Vinci, batay sa mga trabaho ng Philon, nabanggit na ang isang bahagi ng air ay natupok sa panahon ng pagkasunog at hinga.

Sa dulo ng ikalabimpito siglo, Robert Boyle di-napatutunayang na naka ay kailangan para sa pagkasunog. Ingles kimiko John Mayow pino ang trabaho na ito sa pamamagitan ng pagpapakita na ang apoy ay nangangailangan lamang ng isang bahagi ng hangin na siya ay tinatawag na spiritus nitroaereus o lamang nitroaereus. Sa isang eksperimento, siya ay natagpuan na ang paglalagay ng alinman sa isang mouse o isang naiilawan kandila sa isang saradong lalagyan sa ibabaw ng tubig kinuha ang tubig sa tumaas at palitan 1/14 volume ng air bago suffocating bagay ng karanasan. Mula ito, siya ay dapat nitroaereus ay natupok sa parehong paghinga at pagkasunog.

Mayow nabanggit na antimonyo nadagdagan sa bigat kapag nainitan, at natukoy na ang nitroaereus ay dapat na ipagsama sa mga ito. Gayundin naisip na ang mga baga na pinaghiwalay ang nitroaereus nakahiwalay air at pumasa ito sa dugo at hayop na init at kalamnan kilusan nagresulta mula sa reaksiyon ng nitroaereus na may ilang mga sangkap sa katawan. Ulat ng mga ito at iba pang mga eksperimento at mga ideya ay nai-publish sa 1668 sa kanyang Duo work Tractatus sa treatise "De respiratione".

Ang mga elemento ng oxygen ay natuklasan sa pamamagitan ng Suweko parmasyutiko Carl Wilhelm Scheele sa 1771, ngunit ang kanyang trabaho ay hindi makatanggap ng agarang pagkilala. Maraming ipatungkol ang Joseph Priestley ng pagtuklas, na naganap nang nakapag-iisa sa 1 Agosto 1774.

Ang pangalan ng oxygen (Griyego = ὀξύς acid at geno-, mula sa root γεν = Generate), ay ibinigay sa pamamagitan ng Lavoisier sa 1774 pagkatapos na makapansin na mayroong maraming mga acids na naglalaman ng oksiheno.

Talaan ng mga biseroy ng Sardinia

Ito ay isang talaan ng mga biseroy ng Sardinia.

Talaan ng mga taon

Ito ang listahan ng mga taon.

Sa ibang wika

This page is based on a Wikipedia article written by authors (here).
Text is available under the CC BY-SA 3.0 license; additional terms may apply.
Images, videos and audio are available under their respective licenses.